Chapter 13

1.3K 53 0
                                    

Hailee's POV

Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko. Siya yung lalaking iyon? Gusto ko magalit sa kanya pero hindi ko magawa.

"A—Alam kong galit ka sa akin kaya hahayaan kitang ilabas sa akin ang galit mo sa nangyari noon. Ayos lang sa akin na hindi mo ko patawarin pa."

Napailing ako. Hindi ko talaga magawang magalit sa kanya. Masyadong mabait sa amin si David sa amin ni Danny noong mga panahong hindi ko pa alam ang katotohanan. Kaya naman pala ang daming similarities nila ni Danny kahit ang pagkakaroon ng allergy sa shrimp ay parehong-pareho sila.

Imbes na sagutin ko siya ay pinilit ko siyang patayuin.

"Tumayo ka na diyan, sir." Kalmado kong sabi habang hinahatak siya patayo. Ang bigat kaya niya!

Sawakas ay tumayo na rin siya dahil ako rin ang nahihirapan sa sobrang bigat niyang tao.

"I let you want do you want." Hinampas niya ang kanyang dibdib. "Hurt me if you want."

"Hindi ko magagawa iyan. Kahit gusto ko magalit sayo pero hindi ko magawa. Malaki ang tinulong mo para sa amin ni Danny. Kahit hindi ko pa alam na anak ko si Heaven ay binigyan mo pa rin ako ng pagkakataon na makasama siya. Pinalaki mo siyang isang mabuting bata."

Nagulat na lang ako sa bigla niyang pagyakap sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko parang may mga kabayong nakipag karera sa dibdib ko.

"Kahit saglit na panahon ang pagsasama natin ay nahulog na ako sayo." Mas kinagulat ako ang narinig ko ngayon. May gusto na sa akin si David? My god. "Kaya tatanggapin ko ang la—"

Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at hinawakan ko ang pagkabilaang pisngi niya. Nakikita kong sincere siya sa lahat na sinasabi niya sa akin ngayon.

"Pinapatawad na kita." Namilog ang mga mata niya para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"R—Really?"

"Yes. Pinapatawad na kita."

"Thank you, Hailee." Muli niya akong niyakap. "Pangako magiging mabuting ama rin ako kay Danny."

Ngumiti ako sa aking isipan. Kung ganito ba naman kabait ang nakabuntis sa akin. Paano ba naman ako magagalit sa kanya? Kahit hindi niya ako kilala ay binigyan niya ako ng magandang trabaho.

"Can we tell me them the truth?"

"Baka maguluhan ang dalawa kapag sinabi natin sa kanila."

"Hindi iyan. I know how Heaven likes you. Ikaw ang gusto niya para sa akin. Remember the day noong nirereto ka niya sa akin." Namula ang pisngi ko dahil naalala ko iyon. Noong unang beses ko nakita si David ay na tulala ako dahil ang gwapo niya. Bihira lang kasi ako makakita ng kasing gwapo niya tapos mabait pa. "Kung ayos lang ba sayo na ligawan kita."

"Pero... si papa."

"I already talked to him this afternoon. Sinabi ko na rin sa kanya na may balak akong ligawan ka."

"A—Ano ang sabi niya?"

"Hindi siya pumayag na ako ang maging boyfriend mo but I don't care dahil ikaw pa rin ang may karapatan magdesisyon kung ano ang gusto mong gawin sa buhay." Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan tumango. "T—Talaga?"

"Yes. Pumapayag akong ligawan mo ko."

"Hindi lang ang ama mo ang kinausap ko kanina pati si Danny. Pumayag naman si Danny sa ligawan kita basta daw makita ka lang niyang masaya ay ayos na sa kanya."

"Talagang sinabi ni Danny iyon?" Hindi ako makapaniwala. Kahit ang laki ng kasalanan ko kay Danny pero nagawan pa rin niya akong mahalin. Wala pa siyang alam na ako ang mommy niya hindi ate.

"Yes. Pero ang balak ko sana kung hindi ka pumayag na ligawan kita ay si Danny na lang ang liligawan ko."

Ngumiti ako dahil gagawin niya talaga iyon. Liligawan niya ang anak niya kung hindi ako pumayag na ligawan niya. Dapat pala hindi ako pumayag dahil gusto ko makita kung paano niya liligawan si Danny.

"Pwede bang humingi ng pabor sayo?"

"Sure. Anything you want."

"Gusto ko sana puntahan ang puntod ni Gold pero hindi ko alam kung saan."

Nalulungkot ako dahil hindi ko man lang nakasama ang kapatid ko sa huling pagkakataon. Hindi kasi ako pinapayagan ni papa na makipag kita kay Gold o kay mama. Kahit gugustuhin ko ay ayaw kong suwayin si papa. Simula kasing naghiwalay ang mga magulang ko ay wala na kaming ugnayan sa kanila. Dalawang taon ang lumipas ay doon ko nalaman nagpakasal si mama sa isang businessman. Kaya yumaman sila ni Gold pero kami ni papa naman ay naghihirap kumayod para lang magkaroon kami makain pang araw-araw. At the age of 14 doon ako nagsimula maghanap buhay para may pang aral lang ako. At the age of 19 doon naman ako na buntis sa kambal.

"Okay pero gusto ko samahan kita sa puntod niya."

"Salamat."

Palagi ko nakikitang ngumingiti si David at halatang masayahin nga siyang tao katulad ni Danny. May pinagmanahan si Danny sa ama niya sa pagiging masayahin.

"Palagi ka ba ngumingiti?"

"Hindi naman sa lahat na oras ay ngumingiti ako. Baka isipin ng ibang tao ay baliw ako." Natatawang sagot niya sa akin.

"Napapansin ko lang kasi na masayahin kang tao katulad ni Danny. Mukhang namana niya sayo ang pagiging masayahin. At si Heaven naman ay pagiging palabiro." Lumabi ako dahil wala man lang nakuha sa akin ang kambal. Puro sa daddy nila.

Napailing siya ng ulo pero ito na naman ang ngiti niya.

"Don't pout. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at halikan na kita this time." Agad naman ako napatakip sa bibig ko na kinatawa niya.

"Ganyan ka ba sa mga naging girlfriend mo?"

"Girlfriends ko?" Taka niyang tanong sa akin. "Wala pa ako naging girlfriend kahit niisa noon."

Kumurap ako dahil hindi ako makapaniwalang wala pa siyang girlfriend noon. Sa gwapo niyang iyan kaya imposible walang babaeng magkakagusto sa kanya.

"Baka naman boyfriend?"

"Ginawa mo naman akong bakla. Kung sa tingin mong bakla ako ay sana hindi ko babalakin na ligawan ka." Nagiba na ang expression ng mukha niya dahil naging seryoso na siya ngayon. "Kung bakla ako ay sana walang baklang may gusto sa akin noon hanggang ngayon."

"M—May baklang may gusto sayo?"

"Yeah. He is a good friend of mine. Inamin niya sa akin may gusto siya sa akin pero hindi naman ako pumapatol sa katulad kong lalaki pero may pusong mamon naman." Kibit balikat niyang sagot. Nandoon pa rin ang seryoso sa mukha niya. "Pero naging mabuting magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon."

Napapansin ko ang pagtingin niya sa mga labi ko at rinig na rinig ang mahina niyang pagmura.

"Damn, Hailee. Parang nang aakit ang labi mo na halikan ko." Tinakpan ko ulit ang bibig ko. Kahit pumayag akong ligawan niya ako ay hindi naman ako papayag na halikan niya ulit ako. Kahit saglit lang yung pagdikit ng labi niya sa akin ay pakiramdam kong masarap siyang humalik.

Pero sa bilis na pangyayari ay hindi ko namalayan na inalis na pala niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko at dumikit na ang labi niya sa labi ko. Unti-unti siyang gumagalaw at ako naman ay sumasabay sa bawat galaw. He's a good kisser. Imposibleng wala pa siyang naging girlfriend noon.

Naitulak ko si David noong may kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Daddy. Ate Hailee. Hindi na po ba tayo kakain? Gutom na kami ni Dan." Rinih kong sabi ni Heaven sa labas ng kwarto.

"Kumain na muna tayo." Sabi ko sa kanya na kinatango niya.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon