Hailee's POV
Excited na ako sa date namin ni David. Ang sabi niya sa restaurant ng kaibigan niya kami kakain. Hindi pa ako nakakapunta doon pero alam ko yung lugar kung saan ang restaurant na iyon.
Tumingin ako sa orasan dahil malapit na pala mag-alas seis ng gabi. Nagluto pa kasi ako ng hapunan ng kambal bago ako umalis ng bahay. Hindi ko kasi alam kung anong oras ang balik namin ng daddy nila.
Lumabas na ako sa kwarto noong tapos na ako magpalit ng damit.
"Mommy, saan po kayo pupunta?" Tanong ni Danny sa akin noong makita niya ako.
"May date kami ng daddy niyo kaya kung nagutom na kayo ay may pagkain na sa kusina at huwag kayo magpapasok ng hindi niyo kilala ah. Matulog na rin kayo ng maaga." Bilin ko sa kanila dahil silang dalawa lang ang nandito sa bahay.
"Take care, mommy." Sabi ni Heaven.
Naglalakad na ako palabas ng sibdivision dahil wala kahit anong taxi o tricycle ang pumapasok sa loob. Masyado daw kasi strict ang security dito.
"Magandang gabi, ma'am. Mukhang may lakad kayo ngayon ah." Sabi ng isang security guard.
"Yes, kuya."
May taxi na huminto sa harapan ko kaya nagpaalam na ako sa guard na aalis na.
"Manong, sa Albani's restaurant ho."
Pagdating ko sa restaurant ay may waitress na lumapit sa akin.
"Good evening, ma'am. Good for two?"
"Ang pagkaalam ko ay naka reserve na siya dito."
"Ano ho pangalan?"
"David Ferrer."
"This way, ma'am." Nauna na naglakad yung waitress kaya sumunod na ako sa kanya. "Tawagin niyo na lang ho ko kung oordet na kayo, ma'am."
"Sige. Salamat."
Mukhang hindi pa tapos si David sa trabaho niya. Hihintayin ko na muna siya bago umorder ng makakain namin at saka hindi pa naman ako ganoon gutom dahil kumain naman ako kanina.
Ilang oras na ako naghihintay pero hindi pa rin siya dumadating. Kahit tawagan ko ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi naman ganoon si David ah. Palagi niya sinasagot ang mga tawag ko kahit hindi naman importante.
"Ma'am, oorder na ho ba kayo?" Tanong ng isang waitress sa akin.
"Huh? Hindi na. Sorry sa isturbo." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Baka nakalimutan na niya na may date kami ngayong gabi.
Ang sakit. Pinaasa niya ako.
Paguwi ko sa bahay ay may narinig akong busina ng kotse kaya lumingon ako. Kotse ito ni David at nakita kong bumaba na siya.
"Babe, sorry kung hindi ako nakapunta kanina. Ang dami nangyari kanina sa police station at may kaso pa naganap noong paalis na ako."
"Mas importante pa sayo iyang trabaho mo kaysa sa akin. Nagmumukha akong tanga kanina sa restaurant."
"Alam mo naman kailangan rin ako sa traba—"
"Ano ba ang importante sayo, Dave! Ugh. Ayaw ko na magpatalo sayo. Wala rin naman mapupuntahan itong paguusapan natin." Nauna na ako pumasok sa loob ng bahay at nakita kong lumabas ng kwarto si Danny habang kumusot ng kanyang mata.
"Mommy?" Tumingin naman siya sa tao nasa likuran ko. "Daddy."
"Buddy, pwede bang doon ka na muna sa kwarto ng kakambal mo?"
"Pero tulog na po si Heaven ngayon."
"I think she's still awake. Tara samahan kita sa kwarto niya."
Pagpasok ko sa kwarto ay umupo ako sa kama. Naiinis ako sa kanya. Hindi ako sinipot sa restaurant dahil mas importante pa sa kanya ang trabaho niya.
"Hailee." Hindi ko siya pinansin dahil tuloy pa rin ako sa paghubad ng damit ko. Wala na rin ako maitatago sa kanya dahil nakita na rin niya ang lahat. "I'm sorry."
Niyakap niya ako mula sa likod at napasinghap ako ng halikan niya ang batok ko. Tumaas yata ang balahibo sa katawan noong halikan niya ang batok ko. Tumingin ako sa isa niyang kamay dahil may benda iyon.
"A—Ano nangyari sa kamay mo?" Yung inis ko kanina ay bigla na lang napalitan ng pagaalala.
"Remember my cousin?" Tumango ako sa kanya. Ano meron kay Jessa? Sana walang nangyaring masama sa kanya. "Habang nasa beach resort tayo ay tinawagan ko siya at nabanggit niya sa akin ang tungkol sa pumatay sa mama ng asawa niya. Matagal ng sarado ang kasong iyon pero gusto kong buksan ulit para makulong kung sino ang may gawa. Kailangan ng hustisya sa pagpatay niya sa isang inosenteng tao."
"I thought you hate politicians pero ngayon tinutulungan mo na ang asawa ni Jessa."
"I'm doing this for Jessa dahil ayaw ko siya mapahamak. Paano na lang kung bumalik ang taong iyon?"
"Ano naman koneksyon ng kasong iyon sa nangyari sa kamay mo?"
"Habang magiimbestiga ako ay nakita ko si Venice—"
"Venice? Yung babaeng may gusto sayo?" Kaya naman pala amoy babae rin siya. Psh.
"Yeah. At may isang lalaki bigla na lang sumulpot kung saan at muntik na niyang masaksak si Venice. Hindi ko naman hahayaan na mapahamak rin siya, no. May... May—"
"May ano?" Kumunot ang noo ko. Kahina-hinala talaga ang kinikilos ni David ngayon.
He sighed.
"Nangako ako sa isang tao hindi ko sasabihin ito na kahit kanino."
"Ano ba yun?"
"May anak si Venice at si Gold ang ama."
"Huh?" Nagulat ako sa sinabi ni David. May anak si Gold? "P—Paano nangyari iyon?"
"Nangyari ang lahat 7 years ago. Hindi sinabi sa akin ni Gold kung saan niya nakilala si Venice at ang sabi niya sa akin na attract daw siya kay Venice unlike sa mga babaeng nakasama na niya."
"H—Hindi babero ang kapatid ko."
"Nagbabago ang mga tao, Hailee. Sa tagal ko pa naman kasama si Gold noon ay paiba ibang babae ang kasama niya sa tuwing nagkikita kaming apat sa club."
"So, ibig sabihin isa sa mga babae niya yung Venice na iyon."
"I don't think so. Nabanggit rin ni Gold sa akin kanina na pinahanap niya si Venice noon pero hindi mahanap ng private investigator dahil walang alam si Gold na pumunta ng Italy si Venice. May doubt ako baka buntis na si Venice noong panahong iyon kahit si Stuart ay walang alam sa nangyari sa kapatid niya."
Ibig sabihin pala ay may pamangkin na ako. Matagal na.
"Forgive me, babe. Parusahan mo ko kung gusto mo. Magalit ka sa akin."
"Galit ako sayo sa ginawa mo sa akin kanina."
"I know. Kaya nga sabi ko sayo parusahan mo ko."
"Hindi naman ako masamang tao para parusahan ka. But I will punish you in different way." Hinila ko siya sa kwelyo gamit ang buong lakas ko at hinalikan siya sa labi.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...