Chapter 27

1.1K 39 2
                                    

David's POV

Noong umuwi na si Hailee ay walang ginawa ang mga kasamahan ko rito kung hindi ay ang tuksuhin ako lalo na si Li. Sa tagal ko na sa serbisyo at kasama nila ay ngayon pa lang ako may pinakilala na girlfriend ko. Ngayon pa lang naman ako nagkaroon ng girlfriend, eh.

"Chief, may gusto daw kumausap sa inyo." Sabi ng isang pulis sa akin.

"Sino?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Si deputy chief Jones."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano naman ang dahilan ni Stuart ngayon? Hindi iyan pupunta sa police station kung nasaan ako.

"Sabihin mo wala akong oras makinig sa kung anu-ano ang gusto niyang sabihin sa akin. Marami pa akong kaso na kailangan tapusin." Sabi ko dahil ayaw ko naman makita ang pagmumukha ni Stuart. Kahit sino related kay Venice ay kumukulo ang dugo ko dahil naalala ko ang ginawa niya kay Hailee noon.

"Ganyan ka na ba ngayon, Ferrer?" Tumingala ako sa nagsalita. Tsk. Ayaw ko nga siya makita pero nandito na sa harapan ko.

"What do you want, Jones?"

"Ayaw ko man gawin ito pero sorry sa ginawa ni Venice noong isang araw." Kumurap ako. Tama ba ang narinig ko? Ang isang Stuart Jones humihingi ng tawad sa akin. Ano naman kaya ang nakain ng isang ito? Mamatay na yata. "Hindi ko alam ang ginawa niya noon."

"Mamatay ka na ba?"

"What?" Kunot noo niya. Halatang naguluhan siya sa tanong ko.

"Ang sabi ko kung mamatay ka na ba."

"Hindi pa. Hindi ako pwedeng mamatay hanggat hindi pa kita natatalo sa isang kaso, Ferrer."

"Kung hindi ka pa mamatay ay pwede ka na umalis dahil wala akong oras makinig sa walang kwenta mong sinasabi ngayon at hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa ni Venice kay Hailee noon. Alam mo bang buntis ang girlfriend ko at kung ano ang ginawa ng kapatid mo sa kanya. Pinalabas niyang girlfriend ko siya. Ilang taon na nga wala dito sa Pilipinas pero ganoon pa rin ang ugali niya. Sabihin mo diyan sa kapatid mo kahit anong gawin niya ay hindi ko siya magagawang mahalin. Tanggapin na lang niya na may mahal na akong iba."

"What do you mean? Buntis ang girlfriend mo? Tell me, the baby is safe, right?"

"Bakit mukhang concern ka ngayon?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "But your sister killed my child."

"Oh. Fuck. She didn't tell me about that. David, alam kong hindi ko na maibabalik ang buhay ng anak niyo pero patawarin mo na si Venice. Minahal ka lang naman niya."

"My answer is still no. At hindi na magbabago iyon. Kaya umalis ka na dito, Jones dahil kahit sino related kay Venice ay naalala ko ang ginawa niya kay Hailee."

Umalis na sa harapan ko si Stuart na wala kahit anong sinabi pa. Ibang iba Stuart ang kausap ko kanina kumpara noon. Hindi naman kasi ganoon si Stuart kapag magkaharap kaming dalawa. Palagi mainit ang dugo niya sa akin sa tuwing nagkikita kami at isa lang ang nasa vocabulary niya. Walang iba kung hindi ay ang matatalo kita, Ferrer sa kahit anong bagay. Pero kahit anong gawin niya ay hindi naman niya ako matalo-talo.

Paguwi ko sa bahay ay may naamoy ako sa sobrang sarap. Nagutom tuloy ako sa amoy. Ngumiti ako ng makita ko si Hailee ang nagluluto.

"Hmm... ang sarap naman niyan." Niyakap ko siya mula sa likod at hinalikan ang leeg niya. Nababaliw ako kay Hailee.

"Nandiyan ka na pala, Dave. Kanina ka pa ba?"

"Hindi naman. Kakarating ko lang." Tiningnan ko ang niluluto niya. Ang sarap. "Is that kaldereta?"

"Yup. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan mo ito dahil wala akong alam kung ano ang favorite food mo."

Natigilan ako doon. Wala nga pala ako nasabi kay Hailee kung ano ang mga paborito ko.

"Hindi naman ako mapili sa pagkain. Kahit sunog na luto ni Heaven ay kinakain ko." Natatawang sagot ko sa kanya. Naalala ko na naman ang sunog na sunny-side up na luto ni Heaven noon.

"Loko ka talaga."

"Maliban lang sa shrimp. Pwera na lang kung gusto mo ko patayin."

"Bakit ko naman gagawin iyon?" Nagkibit balikat ako bilang sagot sa kanya. Bumitaw na rin ako sa pagyakap para ituloy na niya ang pagluluto.

"Magbibihis na ako at makipaglaro na muna sa mga anak natin."

"Magpahinga ka na muna. Pagod ka galing sa trabaho."

"I'm fine." Nawawala naman ang pagod ko kapag nakita ko ang kambal. Sila ang nagpapawala ng pagod ko.

Pagtapos ko magpalit ng damit ay nakita ko ang kambal sa isang kwarto habang naglalaro. Bakante ang kwartong ito at wala masyadong gamit. Bigla tuloy ako nagkaroon ng ideya kung ano ang gagawin sa kwartong ito.

Bakit hindi ko na lang gawing entertainment room ito? Dito na lang sila maglaro kahit kapag pumunta ang dalawa kong kaibigan at kasama nila ang mga anak nila. Gusto ko rin naman makilala ng kambal ang mga anak ng dalawa kong kaibigan.

"Daddy, alam niyo po tinatanong kami ng teacher namin kung ano ang gusto namin paglaki namin." Sabi ni Danny sa akin at tumabi na ako sa kanila. Nasa gitna ako ng kambal.

"Really? Ano naman ang gusto niyo paglaki niyo?"

I really want to know what they want when they grow up.

"Gusto ko maging isang chef, daddy." Sagot ni Heaven.

"Chef?" Tumango siya sa akin. "Paano ka naman magiging chef kung wala ka masyadong alam na lutuin?"

"Eh, magaaral ako para may alam na akong lutuin para lutuan ko kayo ni mommy." Napangiti ako sa sagot ni Heaven. Natuwa ako dahil sa edad niyang iyan ay naisip niya ang tungkol doon.

Binaling ko naman ang tingin kay Danny para malaman rin ang gusto niya.

"How about you, buddy?"

"Gusto ko po maging katulad niyo, daddy." Kumurap ako sa sagot nito.

"Police?"

"Yes po. Tumutulong po kasi kayo sa kapwa at kayo rin ang hero namin ni Heaven."

Wala na ako masabi dahil sobrang tuwa ko sa narinig ko galing kay Danny.

"Alam kong matutupad iyang gusto niyo. Especially you, buddy. Kung kailangan niyo ng tulong ay nandito lang kami ng mommy niyo."

"Daddy, can we do a favor?" Tumingin ulit ako kay Heaven.

"Sure. Ano iyon?"

"Gusto po sana namin ni Heaven na magkaroon ng baby brother o sister." Napanganga ako sa sinabi ni Danny. I don't know what to say. Hindi ko nga alam kung handa na ba si Hailee ngayon.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon