Nakatanggap ako ng tawag kay Gael kanina at sobrang tagal na ang huling pagsasama ko sa kanila. Sobrang busy na rin kasi sa trabaho at pamilya ko. Nagpaalam na rin ako kay Hailee na hindi ako makakauwi ng maaga mamaya dahil makikipag kita ako kay Gael sa club na palagi namin tinatambayan. Busy rin si Hailee dahil noong magsimula na ang pasukan ay pumasok na rin siya.
After work ay pumunta na ako sa club baka kasi nandoon na si Gael pero noong pagpunta ko malapit sa bar counter ay wala pa doon ang kaibigan ko. Nahuli na naman ang hayop.
Umorder na lang muna ako ng maiinom habang hinihintay siya.
"I wasn't expected to see you here." Lumingon ako sa magsalita at laking gulat ko ng makita si Venice.
"Venice, what are you doing here?" Kahit galit ako sa ginawa niya kay Hailee noon ay may puso pa naman ako at may pinagsamahan pa rin kami ni Venice noon.
"Having fun. Sinabi kasi sa akin ni Stuart kung ano ang sinabi mo sa kanya. Bakit, Dave?"
"Sorry, Venice. Kahit anong gawin mo ay hindi talaga kita magagawang mamahalin. Mahal ko ang girlfriend ko."
"Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya? Mas hamak naman maganda ako."
"Wala sa ganda iyan, Venice. Mabait na tao si Hailee at iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Sorry to say this pero iyon ang wala sayo."
"I hate you! Paasa ka!"
"Kahit kailan ay hindi kita pinaasa. Ikaw lang pumipilit sa sarili mo na mahalin ako kahit hindi ko magagawang mahalin ka rin. Marami pa naman lalaki diyan na kayang balikan ang pagmamahal mo."
Nagulat na lang ako bigla ako sinampal ni Venice bago siya umalis sa harapan ko at sakto naman ang punta ni Gael.
"What was that? Bakit ka sinampal ng babaeng iyon? Ang pagkaalam ko wala ka naman naging ex." Gulat na tanong ni Gael.
"She is not my ex girlfriend. May gusto kasi siya sa akin since college pero hindi ko magawang maibalik. Kahit noon pa ag wala naman akong nararamdaman para sa kanya."
"Dahil ba kay Hailee?"
"Isa siyang spoiled brat at kung alam mo lang ay masama rin ang ugali niya."
"Halata ngang masama ang ugali. Tama lang iyang ginawa mo." Tinapik pa niya ang braso ko.
"Tapos ano? Babalik ka sa pagiging babaero mo?"
"Huy, wala naman akong sinabi ng ganyan ah. Ayaw ko magalit sa akin si Eina."
Napailing na lang ako ng ulo at umorder na rin siya ng maiinom siya.
"Musta ka na pala?" Tanong nito sa akin.
"Ito busy sa trabaho at pamilya."
"Busy lang ba sa trabaho at pamilya? O busy kay Hailee?"
"Siraulo ito. Hindi, no! Ginaya mo pa ako sayo."
"Wala ba kayong balak sundan ang kambal?"
"Dude, hindi pa handa si Hailee at maghihintay naman ako kung kailan siya maging handa. At saka bumalik siya sa pagaaral."
"Seryoso?"
"Ano ang masama doon? Kasalanan ko naman kung bakit siya nabuntis ng maaga at nasira ko ang mga pangarap niya. Kung nag-ingat lang ako noon."
"Ayos lang iyan, pre. Dalawa naman agad ang anak niyo." Napailing ako sa kaibigan ko. "Musta naman kayo ngayon?"
"We're fine. Ginawa ko ang lahat para maging masaya siya sa akin."
"That's good. So, pinapaaral mo siya ngayon?"
"Yup. Dahil boyfriend niya ako ay handa akong tumulong sa kanya."
"Naks. Sa ating tatlo ikaw lang nagkaroon ng girlfriend. Si Red hindi naman niya niligawan noon si Tiff. Ako, niligawan ko si Eina noon pero hindi naman niya tinanggap ang binigay ko."
"Kung hindi ka lang kasi gago noon."
"Kaya nga pinagsisihan ko na ang lahat nangyari noon. Nagbago na rin naman ako ngayon."
"Ikakasal na sana kayo noon pero—"
"Pre, huwag mo na balikan ang mga nangyari noon. Nakalimutan ko na, eh pero pinapaalala mo naman sa akin. Nandito tayo para pagusapan ang lovelife mo."
"May girlfriend na ako ngayon na mas bata sa akin ng 12 years at meron rin kaming kambal. Ano pa ang gusto mong malaman sa lovelife ko?"
"Are you fucking kidding me? 12 years ang tanda mo sa kanya?!"
"Yeah. 19 years old pa lang si Hailee noong pinagbubuntis niya ang kambal."
"Shit, pre. Kailan ka pa naging pedophile?"
"Hindi ako pedophile. Ang pedophile ang mga asawa ni Sarah at Jessa."
"Sus, isa ka na rin doon. Speaking of Jessa, naguusap pa ba kayong dalawa?"
"Apat na taon na rin noong huling paguusap namin ni Jessa. Alam mo naman ayaw ko doon sa asawa niya para sa kanya. Kahit anong gawin natin ay anak pa rin ng dating mayor si Zion Montemayor na iyon."
"Dave, mabait ang dating mayor. Anong masama kung magkaroon ng asawa si Jessa sa anak ng isang politician?"
"Basta. Hindi mo maiintindihan."
"Wala ka na rin naman magagawa dahil kasal na si Jessa ngayon sa kanya."
Iyon na nga. Wala na ako magagawa ngayon.
"Tanggapin mo na lang. Sa nakikita ko naman ay inaalagaan naman si Jessa ng asawa niya."
"Nagkikita kayo ni Jessa?"
"Hindi kami nagkikita. Naaksidente ko siya nakita sa isang mall noong isang araw."
"Kamusta na siya?"
"Pre, kausapin mo na lang kaya siya para alamin mo kung kamusta na siya. Wala naman mawawala sayo kung tawagan mo ulit ang pinsan mo. Kahit hindi mo sabihin sa akin nagaalala ka kay Jessa. Kilala kaya kita, Dave."
Hindi ko alam kung kaya kong harapin si Jessa. Apat na taon wala kaming communication sa isa't isa. Isang beses ay tumatawag siya sa akin pero hindi ko sinagot ang tawag niya. Hindi nga rin ako dumalo noong kasal nila at panigurdo akong nagtatampo rin sa akin si Jessa.
"Bahala na nga. Susubukan kong tawagan si Jessa bukas."
"Good. Pero huwag mong subukan, gawin mo."
"Oo na. Tatawagan ko na si Jessa bukas."
"Balitaan mo na lang ako kung kamusta ang paguusap niyong dalawa ah." Tumango ako kay Gael.
"Uwi na ako. Baka hinihintay na nila ako sa bahay at late na rin naman." Sabi ko saka naglagay ng bayad sa counter. "Heto na yung bayad ko ah."
"Hintayin mo ko. Sasabay na ako sayo lumabas." Kinuha na niya ang wallet para kumuha ng pera at nilagay na rin sa counter. "Boss, heto na ang yung bayad namin ng kaibigan ko."
"Sige ho, sir."
Sabay na nga kami lumabas ni Gael ng club pero dito sa parking lot na kami naghiwalay dahil may dala naman siyang sarili niyang kotse at mapapalayo pa ako kung sasabay siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...