Pinuntahab ko na si Hailee sa kusina para tulungan siya sa niluluto niya.
"Hindi mo kasama bumaba ang kambal." Nakita ko ng inaayos na rin niya ang table.
"Nililigpit pa nila yung mga laruan nila at susunod na sila mamaya. You need help?"
"Ayos lang ako. Umupo ka na diyan."
"Bago ko nga pala makalimutan. The twins want something."
"Nakakapag tataka naman na mag gustong hilingin ang dalawa lalo na si Danny."
"Kung ano ang magiging desisyon mo ay iyon ang masusunod. What's your decision?"
"Bakit yung akin lang? Hindi ba dapat tayo? Dahil tayo ang mga magulang nila."
"Basta." Iyon na lang ang masabi ko dahil hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kay Hailee kung ano ang gusto ng kambal. Ayaw ko naman biglain siya.
"Ano ba iyon?"
Lumunok na muna ako bago sagutin siya.
"They want a younger brother or sister."
"Huh?!" Nabitawan ni Hailee ang hawak niyang spatula.
"I know you are not ready yet. I understand."
"S—Sorry, ayaw ko kasi maulit ang nangyari noon."
"Naiintindihan ko naman."
"Ano ang sinagot mo sa kanila?"
"Wala. Ayaw ko naman umasa ang kambal. Sabi ko nga desisyon mo ang masusunod."
Nakita ko na ang pagpunta ng kambal sa dining.
"Ano po ang pinaguusapan niyo?" Tanong ni Danny.
"Nothing. Let's eat."
Habang kumakain ay tumitingin ako kay Hailee dahil sobrang tahimik niya. Ang kambal lang ang gumagawa ng ingay sa harap ng hapag.
Pagtapos kumain ay tinulungan ko na si Hailee maghugas ng pinagkainan. Kahit may kaya naman ako ay hindi ako nag-hire ng maid para may katulong ako pero ayaw ko. Gusto ko rin ng privacy bago dumating si Heaven sa akin.
"Ang tahimik mo kanina. Ayos ka lang ba? O baka naman iniisip mo yung pinaguspaan natin kanina?"
"Ayos lang ako."
"Hindi maman kita pinipilit kung ayaw mo, Hailee. Nirerespeto ko kung ano ang maginging desisyon mo."
"Kahit ba hindi na kita mabibigyan pa ng anak?"
"Why? May sinabi ba ang doctor na malabo na tayo magkaroon ulit ng anak? Wala naman ah. At hindi naman ako nagmamadali."
"Hindi nga pero—" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil sinunggaban ko siya ng halik.
"Huwag ka magisip ng ganyan. Hindi naman ako nagmamadali dahil nandiyan ang kambal. Kahit wala sa plano natin ang pagdating nila."
"Nagsisi ka ba?"
"Wala naman akong sinabing ganoon ah. At sinabi ko na rin sayo noon na hindi ako nagsisi dumating si Heaven sa akin. Kahit si Danny. Wala akong pinagsisihan."
Isang matamis na ngiti ang binigay sa akin ni Hailee.
"Gusto mo pakasal na tayo."
"Huh?"
"Huwag naman puro huh ang sabihin mo."
"Kasi naman lagi mo na lang ako binibigla. Hindi biro ang magpakasal, Dave."
"I know. Kaya nga kung magpapakasal ako doon sa babaeng mahal ko at mahal din ako. Alam mo ba maswerte ang magiging girlfriend o asawa ko."
"Dahil mabait ka?"
"Hindi iyon. Mamahalin ko siya at gagawin ko ang lahat para maging masaya siya araw-araw. Bibigyan ko siya ng oras kahit busy pa ako sa trabaho."
"Ibig sabihin pala maswerte ako dahil ako ang girlfriend mo."
"Oo dahil noong unang araw mo dito biglang yaya ni Heaven ay naghuhulog na ako sayo. Hindi basta basta nakikipag kaibigan si Heaven lalo na kung tungkol sa relasyon ko. Pero kapag ikaw ay iba ang pakitungo niya sayo. Naging close kayo agad ni Heaven."
"Masaya din ako nakilala ko si Heaven kahit hindi niya ako kilala noon bilang ina niya."
"Ang sabi ko nga sa sarili ko kahit mahanap ko na ang tunay na magulang ni Heaven ay hindi ko siya ibabalik sa kanila. Kahit umabot pa kami sa korte. Even I don't have a chance to win the case. Wala pa naman akong ideya na anak ko talaga siya."
"Tanda mo ang sinabi ko sayo noon? Hindi ko siya kukunin sayo. Masaya na ako makilala si Heaven kahit hindi niya ako kilala bilang ina niya pero pinakilala mo ko sa kanya bilang ina. Thank you, Dave."
"Hindi mo na kailangan magpasalamat sa akin. Wala naman akong ginawa dahil may karapatan ka kay Heaven, Hailee."
"No. Isa ito sa masasayang nangyari sa buhay ko. Ang una ay noong nalaman kong buntis ako kahit masira ang mga pangarap ko kahit magalit sa akin si papa." Natigilan ako sa narinig ko. Bakit ko ba iyon nakalimutan? Bata pa si Hailee noong nabuntis siya. "Pangalawa, noong pinanganak ko ang kambal kahit nagkahiwalay sila ng apat na taon. Pangatlo, pinakilala mo ko kay Heaven bilang ina niya at ang huli, yung naging boyfriend kita."
"Nakapagtapos ka ba sa pagaaral mo?" Isang iling ang sinagot sa akin ni Hailee. Fuck. This is my fault.
"Hindi na ako tumuloy sa pagaaral noon dahil naubos na ang oras ko sa pagaalaga kay Danny at naubos rin ang inipon kong pera sa mga kailangan niya. Kaya nagpasya na lang ako magtrabaho para kay Danny."
"I'm sorry. Dahil sa akin kaya nasira ang mga pangarap mo sa buhay."
"Ano ka ba. Ayos lang. Pwede naman ako bumalik sa pagaaral kung kailan ko gusto pero sa ngayon hindi pa muna."
"Bakit naman? Kung iniisip mo ang gastusin sa pagaaral mo ay nandito naman ako para tulungan ka. Ako ang magpapaaral sayo."
"Nakakahiya naman."
"No. Boyfriend mo ko kaya handa akong tumulong sayo."
"Thank you."
"You're welcome."
"Hindi ko alam kung paano na kita babayaran."
"You don't have to pay me back."
"Sobra na ang tulong na ginawa mo sa akin. Binigyan mo ko ng trabaho tapos may matitirahan pa na malapit sa school ng kambal. Ngayon pagaaralin mo pa ako. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo. Kahit ano gagawin ko."
"If you really insist to pay me back. Pagiisipan ko kung ano ang gusto ko bilang kabayaran mo sa akin." Hinalikan ko siya sa noo. "Kahit hindi ka pa bumabalik sa pagaaral ay ito lang ang gawin mo."
"Ano iyon?"
"Magaral ka ng mabuti."
"Siyempre naman. Lalo na inspired ako magaral dahil sa inyong tatlo. Kayo ang gagawin kong inspiration." Napangiti ako sa narinig. Kinilig ako doon ah.
"Good. Tapos walang lalaki pwedeng lumapit sayo dahil seloso akong tao."
"Ikaw pa lang ay sapat na at sayong sayo lang ako."
Shit naman. Mas lalo akong pinapakilig ni Hailee ngayon.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...