Paguwi ko sa bahay ay nakita ko si Hailee ang naghihintay sa akin. Ang sweet naman niya para hintayin ako.
"Nandito ka na pala." Tumayo na siya sa pagkaupo niya sa sofa at lumapit sa akin.
"Sorry kung ngayon lang ako." Niyakap ko siya. Hindi ko alam pero hindi ko kayang mawala ng matagal si Hailee sa akin.
"Amoy alak ka, Dave." Humiwalay na ako sa kanya. "Ilan ba ang ininom mo kanina?"
"Konti lang ang ininom ko. Alam ko naman hindi ako pwede uminom ng marami dahil magmamaneho pa ako pauwi."
"Maligo ka na at matulog pagkatapos. Matutulog na rin ako. Hinintay ko ang pagdating mo dahil ayaw ng kambal matulog hanggat hindi ka pa umuuwi kaya sabi ko ako na lang ang maghihintay sayo."
"Ang sweet mo naman."
"Girlfriend mo ko at hindi lang naman ang mga anak natin ang nagaalala. Pati ako." Gusto ko halikan si Hailee ngayon baka saan pa marating. Kailangan ko pigilan ang sarili ko. "Pahinga ka na. Good night."
"Good night."
Pagkagising ko kinabukasan ay nahawak ako sa ulo ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Ah, damn it hangover. Hindi ko alam kung makakapasok pa ako nito mamaya.
Pagkaligo ko ay bumaba na ako para makakain at makainom na rin siguro ng gamot.
"Good morning. Musta ang pakiramdam mo?"
"I'm fine, I guess."
"Hindi ka okay, Dave. Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot at magpahinga pagkatapos."
"Hindi pwede. Kailangan kong pumasok mamaya." Tumingin ako sa paligid dahil hindi ko pa nakikita ang mga bata. Mga ganitong oras ay gising na sila para pumasok sa school. "Nasaan pala yung kambal?"
"Nakapasok na sila kanina."
"Huh? Ang aga naman nila pumasok."
"Anong maaga? Late ka na kaya nagising. 8:30 am na, Dave."
"Huh?" Ganoon na ba ako late nagising. Shit. Kaya ayaw ko uninom, eh. "Wala ka bang pasok ngayon?"
"After lunch pa ang pasok ko kaya aasikasuhin na muna kita."
"Ang sweet naman ng girlfriend ko." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Naisip mo na ba kung anong kabayaran ang gusto mo?"
"Hindi pa."
Ano nga ba magandang kabayaran para makabayad na sa akin si Hailee? Kahit ayaw ko naman bayaran niya ako sa lahat na tulong ko sa kanya. Kapag kinasal na kami ay palagi ko na siya tutulungan sa lahat na bagay. Dapat ngayon pa lang ay masanay na siya.
Baby kaya?
Nah, joke lang iyon. Hindi ko naman pipilitin si Hailee kung ayaw pa niya ako bigyan ng anak at ayaw ko naman masira ulit ang pangarap niya sa kagustuhan ko. Ang selfish ko naman kung ganoon.
"May naisip na ako."
"Ano yun?"
"How about call me with an endearment? Nope, ang pangit kung ganoon lang." kibit balikat ko dahil wala na ako maisip pa. "Bahala na. Wala na akong maisip kaya iyon na lang ang gawin mo."
"Sure ka?"
"Yep."
"Anong endearment ang gusto mong itawag ko sayo?"
"I'm not good with endearments. Ikaw na bahala kung ano ang gusto mong itawag sa akin."
"Final decision na ba talaga iyan, Dave?"
"Yup. Sabi ko nga wala na ako maisip na iba maliban sa endearment o bigyan mo ko ng anak ulit. Pero imposible na papayag kang bigyan ako ng anak at ayaw ko naman masira ulit ang mga pangarap mo."
"Ano? Anak?"
"Yup. Pero hindi naman ako magmamadali na bigyan mo ulit ako ng anak. Tutuparin pa natin ang pangarap mo."
"Pumapayag ako." Tumingin ako kay Hailee gulat na gulat. Tama ba ang narinig ko? Pumapayag siyang bigyan ako ng anak? Shit. "Pero huwag na muna ngayon."
"Hindi naman ako nagmamadali."
Wala na rin ako magagawa dahil kailangan ko maghintay ng tatlong taon para makapagtapos si Hailee sa pagaaral niya.
Bandang hapon ay hinatid ko na si Hailee sa school niya bago pa ako pumasok sa trabaho.
"Before you go. Kiss ko na muna." Sabi ko ng pigilan si Hailee lumabas ng kotse.
"May ganyan ka na malalaman ngayon."
"Para ganahan ako magtrabaho. I want here." Tinuro ko ang labi ko.
"Tumigil ka nga."
"Hindi ako titig—" Naputol ang sasabihin ko ng siniil niya ako ng halik sa labi. Ang sarap talaga.
"Ayan. Hinalikan na kita sa labi. Pwede na ba ako pumasok? Baka mahuli na ako sa klase ko."
"Take care, amore mio." Sabi ko ng bumaba na siya sa kotse.
Pagkarating ko sa police station ay sinalubong ako ni Li.
"Sir, mabuti nandito na kayo."
"Bakit? Ano meron?"
"May tumawag kanina at ang sabi niya may pumatay sa kapit bahay niya kaninang umaga."
Tumingin ang lahat na pulis sa amin ni Li.
"Ikaw ba ang nakausap?"
"Yes, sir."
"Okay. Puntahan na natin ang crime scene."
"Actually, sir, noong nalaman ni deputy chief Jones na may crime scene ay pumunta na siya doon."
Tsk. Inunahan ako ni Stuart sa crime scene ngayon ah.
"Okay. Bahala na siya doon." Bumalik na ako sa desk ko pero bigla ko naalala ang pinagusapan namin ni Gael kagabi. Kailangan ko nga pala tawagan si Jessa.
Tiningnan ko ang contact number ni Jessa sa phone ko. Hindi ko alam kung ito pa rin ba ang number ni Jessa o hindi. Apat na taon na rin iyon. Bahala na nga. Wala naman mawawala sa akin kung tatawagan ko siya.
Dalawang ring pa lang noong sinagot na niya ang tawag ko.
"Hello, kuya Dave." Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Jessa. "Kuya Dave?"
"Um, hi. Kamusta ka na?"
"Okay lang ako, kuya. Ikaw?"
"I'm doing great."
"Nakakatampo ka ah. Ni hindi ka man lang dumalo noong kasal ko."
"I'm sorry, Jessa. You know how I hate your husband."
"Wala naman ginawa sayo si Zion para maging ganyan ka sa kanya."
"No. I mean, I hate politicians. Anak siya ng dating mayor."
"Mabait si Zion, kuya. Kilalanin mo muna siya ng mabuti bago ka manghusga. Nakilala ko rin ang ama niya noon at hindi naman siya masamang tao. Mabait si mayor Alfred."
"Sinasabi mo iyan dahil asawa mo siya."
"Hindi, kuya. Mabait talaga ang pamilya ni Zion lalo na siya. Sa tingin mo ba papayag si papa kung hindi mabait si Zion? Pumunta pa siya sa London noon para sundan ako at makilala na rin niya sila papa. Kilalanin mo kasi muna si Zion."
"Hindi ako tumawag para maging topic natin ang asawa mo, Jessa. Tumawag ako para kamustahin ka. Inaalagaan ka ba niya ng mabuti?"
"Yup. Kahit busy siya sa trabaho ay may oras pa siya para sa amin ni Zoe."
Napapaisip tuloy ako kung ano ba talaga ang trabaho ng asawa ni Jessa. I hope legal ang trabaho niya kung hindi ay hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya.
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
Storie d'amoreHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...