Chapter 12

1.3K 49 2
                                    

Please play the music. 😁

~~~~

Paguwi ko galing sa trabaho ay wala pa si Gael. Ang sabi niya around 5pm ay pupunta na siya sa bahay but it's already 6pm ay wala pa rin siya rito.

Pagpasok ko sa bahay ay may narinig akong tugtog ng music.

"Daddy, pwede po ba kita maisayaw?" I chuckled. Kahit pagod ako sa trabaho ay nawawala na lang bigla dahil kay Heaven.

"Sure. Just for you."

Dahil hindi pa ganoon malaki si Heaven kaya umapak siya sa paa ko bago kami magsimulang sumayaw. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil iniisip ko na parang anak ko na si Heaven.

We enjoyed dancing until I heard someone doorbell outside.

"Ako na po ang magbubukas." Hailee volunteered to open the gate.

"Whoa. Hi." Hindi naman ganoon kalakas ang music para hindi ko marinig ang nasa labas. I know si Gael na iyon. "Nandiyan na ba si Dave?"

"Yes, sir. Nasa loob si sir David."

Hindi ko pinansin ang pagpasok ni Gael dahil enjoy na enjoy ako habang kasayaw si Heaven. Baka kasi ito na ang huling araw na makita ang anak ko. Masakit man para sa akin ay kailangan kong gawin para kay Heaven.

"Ang cute niyo naman panoorin." Nilingon ko si Gael noong huminto na kami ni Heaven sa pagsasayaw.

"Bakit ngayon ka lang dumating?"

"Kinuha ko pa kasi ito." Pinakita niya ang hawak niyang red folder. Tumango naman ako sa kanya.

"Okay. Doon tayo sa garden magusap."

Nauna na ako kay Gael pumuntang garden at umupo na sa isang wooden chair. Nilapag naman niya ang folder na hawak niya kanina.

"Huwag ka sana mabibigla sa makikita mo diyan, dude. But no worries, hindi ko naman binuksan iyan dahil bibigyan kita ng privacy at nirerespeto ko iyon. Sinabi lang sa akin ng private investigator."

"Salamat, Gael."

Kinuha ko na sa table ang folder para basahin ang nilalaman. Natigilan ako sa pagbabasa ng mabasa ko ang pangalan ng ina ni Heaven.

Are you fucking kidding me?

"Are you sure about this, Gael?" Tanong ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa natuklasan.

"Hindi ako pwedeng lokohin ng private investigator na iyon dahil matagal ko na siyang kilala."

Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko ngayon. Si Hailee ang ina ni Heaven. Shit. Same age lang sila ni Danny, ang ibig sabihin kambal sila. Maaaring may alam si Hailee rito na hindi niya sinasabi sa akin. Ang tanga ko. Bakit hindi ko napansin agad kung bakit napamahal agad si Hailee kay Heaven. Siya pala ang tunay na ina ni Heaven. Fuck.

"Wait me here. I need to talk with her." Tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Dito sa garden mo? Pwede bang pumasok at kumain? Nagugutom na ako. Hindi pa ako umuu—"

"Bahala ka. Feel at home lang." Sabi ko at nauna ng pumasok sa loob ng bahay. Ganyan naman iyan si Gael kahit hindi ko sabihin na pumasok ay papasok pa rin iyan parang bahay lang niya. "Hailee, pwede ba kita makausap?"

"Sige po, sir."

Umakyat kami sa taas papunta sa kwarto ko at pinauna ko siya pumasok sa loob bago ako.

"Can you explain this to me?" Inabot ko sa kanya ang hawak kong folder.

"Ano po ito?"

"Open it para malaman mo kung ano iyan." Mautoridad kong utos sa kanya.

Sinunod niya rin ang inutos ko. Binabasa na niya ang nakasulat at kitang kita kung paano siya nagulat.

"Sir, wala akong alam tungkol dito. Inaamin kong kambal ang naging anak ko pero ang sabi ni papa ay namatay ang isang sanggol kaya si Danny lang ang nakasama ko. Wala akong ideya na buhay pala yung isa at si Heaven iyon."

Napaupo ako sa kama dahil hindi ko tanggap ang pangyayari. Pwedeng mawala na sa akin si Heaven. Dapat handa na sa pwedeng mangyari pero bakit ganoon hindi ko magawa.

"Sir?"

"I don't know what to do. Ayaw ko mawala sa akin si Heaven."

"Kung iniisip niyo na kukunin ko siya sa inyo. Hindi ko iyon magagawa dahil ayaw ko naman makitang malungkot si Heaven at kitang kita ko kung gaano niya kayo kamahal."

Tumingin ako sa phone ko na nagtext sa akin si Gael.

From Gael;

Dude, naalala ko na kung saan ko nakita ang babaeng kasama mo. Siya ang nakilala nating babae sa isang club 4 years ago. I don't know if you still remember. Siya ang babaeng niligtas mo sa grupo ng lalaking nambabastos sa kanya. Pero hindi ko na alam ang sunod nangyari dahil hinatak mo na siya palabas ng club noon.

Iyon lang. Aalis na rin ako dahil ang sabi ng anak mo ay wala pa daw kayong pagkain. Uuwi na lang ako.

Happy birthday!

Naalala ko nga iyon at kaya pala familiar sa akin ang mukha ni Hailee. Kaya pala noong unang beses ko nakita ang mukha ni Danny ay nagulat ako dahil may hawig sila ni Heaven. Iyon pala ay kambal sila.

"Ang sabi mo lasing ka noong mangyari sa inyo ng ama ng kambal."

"Yes, sir."

"Hindi mo rin alam ang itsura o pangalan ng lalaki."

"Yes po."

Ang pagkaalam ko ay hindi naman ako masyadong umiinom dahil magmamameho pa ako pauwi ng bahay pero bakit hindi ko maalala agad ang tungkol dito. Shit. Gusto kong pagalitan ang sarili ko sa pagiging tanga ko. Gusto ko rin sapukin ang sarili.

Tumayo ako at dahan-dahan lumuluhod sa harapan ni Hailee.

"Sir, bakit kayi lumuluhod? Tumayo po kayo diyan!"

"I'm sorry. Sana patawarin mo ko sa nangyari noon."

"Ano ang ibig niyong sabihin?" Hawak ni Hailee ang isang braso ko para patayuin ako.

"Malaki na ang kasalanan ko sayo, Hailee."

"Pwede niyo po bang linawin ang sinasabi niyo sa akin?"

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

Tama nga si mama noong nakausap kaming dalawa. Anak ko nga talaga si Heaven at hindi lang iyon dalawa pa sila ni Danny.

"A—Ako yung lalaking nakauna sayo." Wala akong narinig na salita mula kay Hailee at dahan-dahan kong inangat ang tingin sa kanya. Gulat na gulat ang mukha ni Hailee sa natuklasan niya. "Hindi ko alam na ikaw pala yung babaeng naikama ko noon. Pero kung alam ko lang sana na may bunga pala ang nangyari sa atin noon ay sana hinanap kita. I'm really sorry, Hailee."

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon