Kinaumagahan ay ang ganda ng gising ko. Hindi ko alam ang dahilan o baka dahil sa lalaking katabi ko.
Tinitingnan ko siya habang ang himbing ng tulog niya. Ang cute pala matulog ni David. Ang amo pa.
"You know what staring is rude." Napanganga ako dahil gising na pala siya. Ang akala ko pa naman tulog ko, iyon pala gising na. Nakakahiya. Tumalikod ako sa kanya dahil nahihiya ako. Nahuli niya ako habang tinitingnan ko siya. "Nahiya ka dahil nahuli kitang nakatitig sa akin."
"Sino magsa— Ewan ko sayo." Naiinis ako sa kanya. Pinagtatawanan ba naman ako. Tsk. Kung hindi lang gwapo ito ay kanina ko pa sinapok.
"Come here." Niyakap niya ako mula sa likod at hinahalikan ang batok ko. "Damn. Addict na yata ako sayo."
"Ano ba ang ginagawa mo, Dave. Kailangan mo ng bumangon dahil may pasok ka pa ngayon."
Hindi siya pumasok kahapon para magkaayos kaming dalawa at hindi lang iyon sinagot ko rin siya.
"Pwede bang huwag na lang ako pumasok?"
"Hindi pwede. Ikaw ang inaasahan ng mga kasamahan mo, Dave. Sayang ang pinaghirapan mo para makuha lang ang rank mo ngayon. Hindi lahat na pulis ay maabot sa ganyan."
"To be honest, hindi ko pinaghirapan para makuha ang rank ko ngayon. Isang taon pa lang ako sa pagiging police detective ko noon pero bigla na lang nila binigay sa akin ang rank na ito."
"Dahil naniniwala sila sa galing mo. Kahit rin ako ay naniniwala sayo." Pumaibabaw ako at ngumiti sa kanya.
"Aww, thank you. I love you."
"I love you too. Kaya bangon ka na diyan."
"Paano naman ako babangon kung nakadagan ka sa akin?"
Bwesit talaga. Panira ng moment, eh.
"Kainis ka." Umalis na ako sa ibabaw niya at umupo sa gilid ng kama. "Bahala ka na nga diyan."
"Ikaw naman. Hindi ka na mabiro."
"Nga pala, sasama pala ako sayo mamaya sa prisinto dahil bibisitahin ko si papa."
"Are you going to tell him about our relationship?"
"Hindi ko pa alam. Bahala na."
"Gusto mo bang samahan kita?"
"Huwag na. Alam kong marami ka pang kailangan gawin ngayon at kaya ko naman kausapin si papa."
"Basta sa inyo ng kambal ay magkakaroon ako ng oras kahit gaano pa ako busy sa trabaho. Ganoon ang ginagawa ko kay Heaven noon. Mahirap nga lang sa umpisa pero nasanay na rin ako magbigay ng oras sa ibang tao."
Sumabay na nga ako kay David pumunta sa police station. Ilang araw na rin kasi ang huling bisita ko kay papa.
"Mabuti naman naisipan mo pa akong dalawin dito."
"Sorry po. Busy lang ako."
"Busy? Baka naman busy ka sa pulis na iyan ah."
"Papa naman."
"Kahit siya pa ang ama ng mga anak mo ay hindi ko pa rin siya tanggap sa pamilya natin, Hailee."
Nasasaktan ako dahil galing pa iyon sa sarili kong ama. Hindi niya tanggap ang ama ng kambal.
"Kahit ito lang po sana ay suportahan niyo ko."
"Simulang na buntis ka ay binigo mo na ako. Sinira mo ang tiwala ko sayo at ang mga pangarap mo. Tapos nilihim mo pa kay Daniel na kapatid mo siya."
"Kaya niyo ba sinabi sa kanya ang katotohanan?"
"Dahil iyon ang nararapat. May karapatan siyang malaman ang katotohanan na anak mo siya hindi kapatid."
"Inunahan niyo ko, pa. Mabuti na lang ay hindi nagalit sa akin ang anak ko noong nalaman niyang ako ang mommy niya. At sana tandaan niyo may kasalanan kayo sa akin." Kumunot ang noo ni papa habang nakatingin sa akin. "Pinalabas mong patay na ang kakambal ni Danny pero iyon pala ay pinamigay mo. Bakit niyo iyon nagawa sa akin?"
Maraming katanungan ang gusto kong tanungin kay papa. Ngayon pa nalaman ko na ang lahat.
"Ginawa ko lang iyon dahil hindi natin kaya magalaga ng dalawang sanggol. Alam mo naman kung gaano na tayo nahihirapan sa buhay tapos dumagdag pa ang kambal mong anak."
"Paano niyo nalaman na si David ang ama nila?"
"Noong nakita ko ang mukha ni Daniel ay napaisip ako parang familiar sa akin. Nang makita ko sa balita si chief David Ferrer ay doon ko naalala na kamukha niya ang anak mo. Ang balak ko sana ay peperahan ko siya pero hindi ko ginawa dahil pwede ako makulong kapag nalaman niya ang plano ko."
"Ano? Binabalak niyong gamitin ang kambal. Sa tingin niyo po ba papayag ako sa kagustuhan niyo?"
"Kaya nga hindi ko sinasabi sayo ang tungkol doon."
"Nagsisi ako na pinipilit ko siya noon na palayain ka dito. Hindi na ikaw ang ama ko."
Ang papa ko ay isang masipag sa trabaho at hindi gagawa ng masama pero nagbago lang siya simulang naghiwalay ang silang dalawa ni mama. Lumaki akong broken family. Walang communication kay mama o kay Gold pero nalaman ko lang ang nangyari kay Gold noon. Kahit anong gawin ay wala na ang kakaisang kapatid ko at tanggap ko na rin nawala na siya ngayon dito sa mundo.
Bago umalis ay pinuntahan ko na muna si David.
"Sa bahay ka kakain ng hapunan?" Tanong ko sa kanya.
"Yes. Why?"
Kahit girlfriend na niya ako ay wala pa ako masyadong alam tungkol sa kanya. Kahit ang favorite food niya.
"Gusto ko lang malaman. Sige, uwi na ako. Baka kasi hanapin pa ako ng kambal."
"Ingat sa paguwi." Tumayo siya at lumapit sa akin saka niya ako hinalikan sa labi. May narinig rin akong kinikilig sa likuran ko. "She is my girlfriend. Kaya bawal kayo lumapit sa kanya."
"Gumaganoon, chief." Pang aasar ng isang pulis sa kanya.
Sa totoo lang, nakakahiya ang ginawa niya. Hinalikan niya ako sa maraming tao.
"Possessive, sir!"
"Hello sa inyo." Nahihiyang sabi ko sa kanila.
"Ma'am, huwag ho kayo magaalala babantayan ko si sir. Walang babae ang makakalapit na sa kanya."
"Hoy, Alcaraz. Ginaya mo pa ako sa kaibigan ko na babaero."
Muli ako nagpaalam sa kanilang lahat.
Paguwi ko sa bahay ay nakita ko ang kambal nanonood ng cartoons. Kung ang dati ay hindi makapanood ng ganito si Danny sa dati naming bahay pero ngayon ay tuwang tuwa na siya dahil makakalanood na si Danny ng ganito gaya sa ibang bata.
"Heaven." Tumingin sa akin si Heaven noong tawagin ko siya.
"Bakit po, mommy?"
"Um, ano ang favorite food ng daddy mo?"
"Favorite food ni daddy? Um." Kaso binigyan lang niya ako ng isang kibit balikat. "Hindi ko po alam kung ano ang favorite food ni daddy. Kahit ano kinakain noon."
Kahit ano kinakain? Wala nga talagang alam si Heaven tungkol sa allergy ng daddy nila sa shrimp.
"Okay. Salamat."
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...