Nagising ako sa sinag ng araw kaya bumangon na ako at bumaba pero may naamoy akong masarap na pagkain. Ang bango naman. Hindi ganito magluto si Heaven at mas lalong hindi na siya gigising ng maaga dahil wala naman silang pasok.
Pumunta na ako sa kusina at nakit ko si Hailee ang nagluluto. Niyakap ko siya mula sa likod na kinagulat niya.
"Dave?! Ano ang ginagawa mo?" Ang sarap naman sa pandinig kapag tinatawag niya ako sa nickname ko. Kahit hindi lang naman siya ang tumatawag sa akin na ganoon. "Bumitaw ka na dahil hindi ako makaluto kung nakayakap ka sa akin."
"I don't want. Parang gusto ko ikaw na lang ang kainin ko."
"Dave, ano ba! Hindi porket kinakausap na kita ay okay na tayo ngayon."
"Pagkatapos ko umamin sayo kahapon. Hindi pa rin tayo okay. Grabe ka talaga, Hailee."
"Hindi."
"Hayaan mo muna akong yakapin ka."
"Hindi pwede dahil hindi ako matatapos sa niluluto ko."
Sasagot pa sana ako na may narinig akong nagdoorbell. Tsk. Isturbo naman. Sino ba ang magdodoorbell sa ganitong kaaga?
"Daddy, may naghahanap sa inyo." Nilingon ko si Heaven. Sino naman amg naghahanap sa akin. "Isang magandang babae."
"Bitawan mo na ako." Tumingin ulit ako kay Hailee. Mukhang may nagseselos na naman.
"Selos ka?"
"Hindi ako nagseselos. Mas lalong wala akong karapatan magselos." Hinawakan ko ang pisngi niya at binigyan ko ng halik sa labi niya.
"Ikaw lang ang gusto ko at seryoso ako sayo." Bumitaw na ako sa pagkayakap kay Hailee para puntahan yung sinasabi ni Heaven na magandang babae daw. Siguraduhing maganda talaga ito ah. Wala naman mas gaganda pa kay Hailee at Heaven.
"Kuya Dave." Kumurap ako ng makita kung sino ang bisita.
"Sarah. What are you doing here? Hindi mo naman sinabi sa akin na pupunta ka ngayon."
"Sorry, kuya. Pero sino nga pala yung batang babae nagbukas ng gate sa akin? Wala naman ako maalala na may kapatid ka. Only child ka lang at bago nagpakasal si Jessa ay siya ang kasama mo noon."
"She is my daughter, Sarah."
"Huh?! A—Anak mo?! Hindi ko alam kasal ka na pala."
"Hindi pa ako kasal. Pero may nabuntis akong babae noon."
"Alam na ba ni kuya Red?"
"Alam na ng dalawa kong kaibigan ang tungkol sa sitwasyon ko."
"Kilala mo ang ina ng—" Hindi natapos ang sasabihin ni Sarah noong lumabas ng kwarto si Danny. "May isa pa. Don't tell me, kambal ang anak mo."
"Yeah, they are twins. His name is Daniel and the young lady is Heaven."
"Gusto ko makilala yung ina nila."
"She's over there." Tinuro ko kung nasaan si Hailee.
"Wow. Marunong ka pala pumili, kuya Dave. Kayong tatlo ay marunong pumili ng mamahalin."
"Kaya mo iyan sinasabi dahil asawa ng kuya mo si Tiffany." Natatawang sabi ko sa kanya. Baliw talaga itong si Sarah.
"Hindi ko naman inaasahan mauuna pa sayo si kuya Gael magpakasal."
Mas lalo ako natawa. Kahit nga rin ako ay hindi ko inaasahan na mauunahan ako ni Gael. Nagulat nga ako noong sinabi niyang may anak na siya.
"Sarah."
"Hmm?"
"Naalaa mo ba yung pinagusapan natin 4 years ago? Noong nalaman ko nagpakasal ka sa mas matanda sayo ng ilang taon."
"Yup, hinding hindi ko iyon makakalimutan."
Kahit rin ako dahil pareho kami ng sitwasyon ng asawa ni Sarah. Malaki ang edad ang agwat namin sa kanila.
"Yes po. Mahal ko na si Rocco pero natatakot lang ako umamin sa kanya."
"Why? Bakit ka naman natatakot?"
"Natatakot ako sa pwedeng mangyari kaya sinasabi ko sa iba na crush ko lang siya."
"May ginagawa ba siya sayo? Hindi ko siya mapapatawad kung may ginagawa siya sayo."
"Wala naman ginagawa sa akin si Rocco. Inaalagaan niya ako at sa nakikita ko naman mahal niya rin ako. Kung hindi niya ako mahal ay hindi niya ito gagawin sa akin. Hindi niya ako papakasalan noong nalaman niyang buntis ako noon."
"Sa anong dahilan kung bakit ka natatakot kung sabihin mo sa kanyang mahal mo siya?" Tumingin ako kay Sarah kaso wala akong nakuhang sagot galing sa kanya.
"Okay, never mind. Kung may ginawang kalokohan ang asawa mo ay pwede ka tumuloy sa bahay. Hindi ka naman pwede bumalik sa mansyon niyo dahil magtataka ang mga magulang niyo."
"Salamat, kuya Dave. Tatandaan ko ito."
Sa tagal na pangyayari ay nakalimutan ko na nga iyon.
"Ikaw pa lang unang tao sinabihan kong mahal ko si Rocco."
"Sa nakikita ko naman ay mahal ka talaga niya. Good for you dahil nakahanap ka ng lalaking magmamahal sayo."
"Mahal mo ba ang ina ng kambal?"
"Yeah." Tumingin ako kay Hailee na abala sa paghahanda ng makakain. "I love her so much. Simulang nakilala ko siya ay hindi ko kayang mawala siya sa akin."
"In love ka na. Gumaganoon ka na ngayon, kuya Dave pero masaya ako para sayo. Kung malaman ni Jessa ang tungkol dito ay matutuwa rin siya para sayo."
Natigilan ako noong banggitin ni Sarah ang pangalan ng pinsan ko. Simulang kinasal kasi si Jessa sa Montemayor na yun ay wala na akong balita sa kanya.
"Nagkikita pa ba kayo ni Jessa?"
"Oo naman. Araw-araw kami nagkikita ni Jessa dahil iisa lang naman ang pinapasukan naming trabaho."
Napasampal ako sa noo. Nawala sa isip ko sa boutique nga pala nagtatrabaho silang tatlo at sikat ang boutique nila dahil magaganda ang mga designs.
"Anyway, ilang taon na siya?"
"Twenty-three."
"What? Are you kidding?"
"I'm serious, Sarah."
"Ilang taon na yung kambal?"
"They are 4 years old."
"Oh my gosh. No way! Hindi ko alam pedophile ka pala, kuya Dave."
"Hoy! Hindi ako pedophile. Lasing kami pareho noong mga panahon na may nangyari sa aming dalawa pero hindi naman ako nagsisi na dumating sila sa buhay ko lalo na si Heaven." Napangiti ako sa tuwing naalala ko ang mga panahon nahihirapan ako sa pagaalaga kay Heaven noong baby pa siya. "And I know, 12 years ang tanda ko sa kanya."
"So what? Sa amin nga ni Rocco 15 years."
"At saka kapatid niya ni Gold."
"Huh?!" Bakas sa mukha ni Sarah ang pagkagulat.
"Hindi ba sinabi sa inyo ni Red?" Mabilis naman ang pag iling niya.
"Walang sinasabi sa amin si kuya Red."
Ibig sabihin kaming dalawa lang ni Gael ang may alam tungkol dito. Hindi na ako magugulat kung pati si Tiffany ay walang alam na may kapatid si Gold.
"Sarah, promise me hindi mo sasabihin kay Tiff sa nalaman mo. Hayaan mo na lang si Red ang magsabi sa kanya."
"Alam ko na iyan at labas na ako diyan. Ayaw ko naman madamay ang pamilya ko."
BINABASA MO ANG
Definitely Maybe
RomanceHe is David Ferrer. One of the great police chief. Mabait sa pamilya lalo na sa dalawa niyang kaibigan at may respeto sa mga kababaihan. But one day he find a baby in front of his house and no one's there. Hindi niya alam ang gagawin niya sa baby l...