Chapter 39

1K 36 0
                                    

Naging busy ako sa trabaho lalo na si Hailee dahil final exams nila pero ngayon ang huling araw nila.

Kaya nagpasya kami ng kambal na susunduin ang mommy nila sa school at dederetso kami sa isang beach resort para magbakasyon. Hindi alam ni Hailee ang tungkol doon.

"Hi." Bati niya sa akin.

"Mommy!" Sabay ng kambal na kinalingon ni Hailee sa likod kung saan nakaupo ang mga anak namin.

"Oh. Nandito rin pala kayo."

"Yes po! Pupunta tayo ngayon sa isang beach resort." Masayang sabi ni Heaven.

"Beach resort?" Tumingin sa akin si Hailee. "Bakit wala akong alam na pupunta pala tayo sa beach resort ngayon?"

"Actually, kanina lang ako kinukulit ng mga ito. Biglaang din ang bakasyon natin ngayon but don't worry inayos ko na ang lahat kahit ang dadalhin natin."

Habang nasa biyahe kami ay biglang tumunog ang phone and it's from unknown number. Baka wrong send lang. Pero hindi tumitigil ang phone ko.

From Unknown Number;

Can we meet today?

From Unknown Number;

May gusto lang ako sabihin sayo. Importante ito.

From Unknown Number;

Sorry. I forgot to introduce myself. Si Zion Montemayor ito.

Kumunot ang noo ko. Ano naman ang kailangan niya sa akin? Ni minsan ay hindi ako kinakausap o tinatawagan ng asawa ni Jessa.

To Zion;

Okay. Saan tayo magkikita?

"Wait lang, guys. May pupunta tayo saglit dahil may kakausapin si daddy na isang kakilala."

"Okay po, daddy."

"Sino naman?"

"Kakilala ko lang. May importante daw siyang sasabihin sa akin." Tumingin ako sa phone ko noong tumunog iyon ulit.

From Zion;

Ayon sa location mo ngayon ay may police station na malapit. Doon na lang tayo magkita.

Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman na may police station kami madadaanan? Sinusundan niya ba kami mgayon? Sino ba talaga ang lalaking ito? Damn it. Ang daming tanong sa isipan ko ngayon.

Pinarada ko na ang kotse sa tapat ng police station at inalis ko na ang seatbelt ko.

"Huwag kayo aalis dito ah. Babalik ako agad." Sabi ko saka lumabas ng kotse.

"Sir." Nag-salute ang isang pulis sa akin. "Ano ho ang sadya niyo rito?"

"May kakausapin lang akong tao. Mukhang wala pa siya dito ngayon." Kinuha ko ang phone para tanungin si Zion.

To Zion;

I'm here. Where are you?

From Zion;

On your right.

Tumingin ako sa kanan ko at may nakita akong dalawang lalaki naglalakad papalapit sa direksyon ko.

"Alam kong galit ka sa akin sa hindi ko alam ang dahilan."

"Hindi ako galit sayo. Kahit magalit ako sayo ay ikaw pa rin ang pipiliin ni Jessa."

"Kung hindi ka galit sa akin. Eh, ayaw mo sa akin dahil anak ako ng dating mayor. Hindi rin kita masisi."

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Kahit ayaw ko humingi ng tulong ay kailangan ko pa rin ng tulong ng isang pulis na katulad mo. Ikaw lang ang maasahan ko rito, David."

"Anong klaseng tulong naman iyon?"

Himala yata at hihingi ng tulong ang asawa ni Jessa sa isang pulis na kagaya ko. Kung ano man iyon ay malalaman ko na lang.

"I found some information that someone want to kill my friend at kinuwento niya rin sa akin na tinangka niya rin ang buhay ng kaibigan ko 6 years ago. Kamuntikan na siya mamatay noon."

"At ano naman ang binabalak mo?" Kunot noo kong tanong.

"Gusto niya ulit patayin ang kaibigan ko. Sa tingin ko kasi papatayin niya ang kaibigan ko dahil hindi siya natagumpay noon."

"May impormasyon ka ba patunay diyan sa sinasabi mo?"

"Of course. Here." May inabot na isang folder si Zion. "Iyan ang impormasyon na kailangan mo. Kumpleto ang lahat na iyon kahit ang location kung saan niyo pwede matagpuan ang suspect."

"Paano ka naman nakakasigurado?"

"Bakit hindi ka magpapunta ng ibang pulis para makasigurado ka at totoo ang mga sinasabi ko sayo."

"Sino ka ba talaga?"

"Zion Montemayor. Just an ordinary programmer." Tunungin siya sa kasamahan niya at binalik ang tingin sa akin. "Once you capture him, pwede bang pabor?"

"Ano naman iyon?"

"Gagawin ko ito para sa kaligtasan ng kaibigan ko at ng pamilya niya. Kung pwede lang ay bantayan niyo siya ng maigi. Ngayon la—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng sumingit ako.

"Hindi ako naniniwalang isa ka lang programmer, Zion. Ano ka ba talaga?"

He sighed.

"I'm an agent."

Nagulat ako sa narinig ko. Tama bang sinabi niyang isa siyang agent? O baka naman magkakamali lang ako ng dinig. Isa rin delikado ang trabaho ng isang agent at talagang nakikipag cooperate ang mga agents sa amin mga pulis. Kaya pala marami rin kaming natatanggap na report tungkol sa drug victim pero pagdating namin ay tapos na ang trabaho. Sila siguro nagtatapos ng trabaho na dapat sa amin mga pulis.

"A-Alam ba ni Jessa ang tungkol dito?"

"Yes. Sa tingin mo ba papayag magpakasal sa akin si Jessa kung hindi ko sinabi sa kanya kung sino ba talaga ako at hindi niya rin ako titigilan kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoo."

"Kung nalaman ko lang na mas maaga ay hindi dapat ako papayag na maikasal ang pinsan ko sayo."

"I'm glad you don't." Ang lakas talaga ng loob nito na asarin ako.

"Tsk. Pumapayag ako na makipag cooperate sa inyo. Ngayon lang ito."

"Talagang ngayon lang. Dahil buhay ng kaibigan ko ang nakasalalay rito. But to make sure hindi siya makakatakas ay maglalagay ako ng CCTV sa kulungan niya para 24/7 namin siya mabantayan at hindi siya makakatakas. Iyon lang ang pinunta namin dito."

"Sige. Magpapadala ako ng pulis sa sinasabi mong location para mahuli na yung suspect na gustong pumatay sa kaibigan mo." Sabi ko at sumakay na ako agad sa kotse.

"Ano ang pinagusapan niyong dalawa?" Tanong ni Hailee pero hindi ko siya pinansin. Iniisip ko ang sinabi ni Zion sa akin kanina. Isa siyang agent. Shit. Kailangan kong makausap si Jessa tungkol dito. "Babe..."

Kumurap ako ng marinig ko ang tawag sa akin ni Hailee,

"What did you called me?"

"Wala. Hindi mo ko pinansin kanina kaya bahala ka na diyan. Magmaneho ka na lang at matutulog na muna ako."

"Sorry. Ano ba yung tinatanong mo kanina?"

"Wala. Kalimutan mo na lang yun."

Nagtatampo na agad si Hailee sa akin dahil hindi ko siya pinansin kanina. Ang mga babae nga naman talaga.

Definitely MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon