Elaine's POV
Nagising na lang ako dahil sa sound ng tv. Napamulat ako, may dalawang lalaking nakaupo sa tig-isang sofa. Nagmadali akong bumangon kaya dalawa silang napatingin sa akin. Ang gwapo nila, parehong may makapal na kilay, matangos na ilong at mapulang labi na akala mo naka liptint ng red.
"Hi" bati sa akin ng isang nakaupo sa harap ng tv.
"M-magandang umaga po sir" sabi ko. Tumawa naman silang dalawa. Ang gwapo naman nila
"Miss, gabi na" sabi ng lalaking nasa may side ng tv. Nahiya tuloy ako.
"A-ah. M-magandang g-gabi po sir" pag-uulit ko.
"Kumain kana ba?" Tanong ng lalaking nasa harap ng tv
"Hindi pa po sir" sagot ko.
"Oh eh bakit dika kumain? Kailangan mo ng lakas para mamaya" sabi niya sabay ngisi. Napatakip na lang ako ng katawan ko gamit ang dalawang braso ko. Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi ako papasok sa ganitong trabaho. Ilang taon kong iningatan ang virginity ko para ilaan sa taong mahal ko pero bakit kailangang humantong sa ganito.
"Adrian..." Suway ng kanyang kapatid.
"Hahaha, gusto mo ba ng pagkain? May dala ako para sayo" sabi ng nagngangalang Adrian sabay lakad papuntang kusina
"Anong pangalan mo?" Biglang tanong ng lalaking nakaupo sa side ng tv
"R-rizzaleth Elaine Morales po sir" sagot ko. Tumango siya habang titig na titig sa akin
"So ilang taon kana?" Tanong niya ulit
"19 years old na po, 20 na ngayong susunod na buwan" sagot ko.
"Alam mo ba ang trabaho mo dito?" Tanong niya. Napalunok ako tsaka dahan-dahang tumango habang nakayuko. Humawak ako sa dalawang hita ko.
"Ako si Aiden Henry at siya ang kapatid kong si Adrian Henry. Kung alam mo na ang trabaho mo, gagawin mo yun pero sa akin lang. Bawal ka kay Adrian dahil una sa lahat, ako lang ang amo mo" sabi niya. Tumango ako, mabuti na din to at iisang lalaki lang ang gagamit sa akin kaisa dalawang salitsalitan.
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...