Chapter 40

8.4K 119 0
                                    

                 Aiden's POV

Pagkagaling ko sa trabaho diretso uwi na agad dahil naghihintay ang mag-ina ko. Haysstt sarap sa pakiramdam nang may asawa't anak na sobrang mahal mo.

Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong inihagis kay kuya rey ang susi at siya na bahalang umayos. Miss na miss ko na mag ina ko kahit kanina lang tanghali umuwi ako dito para saluhan asawa ko sa pagkain.

Ganun naman pag mahal mo ang isang tao. Oras oras namimiss mo siya.

"Mano po nay" mano ko kay nanay Ester. Nanay na kasi ang tawag ni Elaine sa kanya kaya nanay na din sa akin.

"Oh kumain kana ba anak?" Tanong niya

"Hindi pa po, mamaya na lang sabay kami ni Elaine" sagot ko tsaka siya iniwan at nagtungong kwarto para puntahan ang mag ina ko.

Papasok na sana ako nang marinig ko siyang nagsasalita kaya pumarito muna ako sa pinto at nakinig habang nakangiti. Sinilip ko sila, nakahiga si baby sa kandungan ni Elaine.

"Ikaw gwapo ka ha? Bakit ba sa mukha ng dad mo ikaw nagmana ha? Haysstt. Nagseselos tuloy si mama. Ako yung mama pero pati pilik mata mo'ng namana sakin habang lumalaki ka para ka nang si daddy mo. Lakas ng dugo ng gagong yun" sabi niya. Ha! Gago pala ako ah? Uy mahal ko, huwag magmura sa harap ng anak natin

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon