Chapter 51

6.9K 132 18
                                    


                     Alice's POv

"Siguraduhin niyong nalinis na ang kalat at walang naiwang bakas! Kundi papatayin ko kayo" banta ko sa mga tauhan ko.

Di maipinta ang saya ko ngayon dahil wala na ang salot na mag-ina sa buhay ko. Patay na sila, at ang masaya pa dun ay magkakabalikan na kami ng mahal ko.

"Maayos po maam, wala pong sabit nasisiguro ko" sagot ng isa sa tauhan ko

"Mabuti kung ganun" sabi ko

"May isang tao na binayaran namin para pagbintangan sa ginawa mo maam. Gipit daw sila sa pera kaya pumayag siyang makulong, siguradong iniimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari kaya naisip namin na kumuha tao para makulong" napangiti ako

"Magaling, sige layas na" sabi ko

Nakaupo lang ako nang biglang nag ring ang phone ko. New number? Pero familiar. Pinatay ko ito at hinagis sa sofa nang biglang may mag text

"Aiden to. Kita tayo sa coffee shop malapit sa school" sabi ng text. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Yieehh ang saya naman

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon