Chapter 29

9.4K 154 0
                                    

             Aiden's POV

"Umiiyak ka nanaman" suway ni manang na biglang sulpot. Agad akong nagpunas ng mata tsaka tumingin sa ibang direksyon

"totoo ba talaga yang nararamdaman mo para kay Elaine?" tss. Iiyakan ko ba siya? masasaktan ba ako ng sobra? maaapektuhan ba ako ng ganito kung hindi ko mahal si Elaine?

"manang bumalik ka nalang sa trabaho mo." pero imbis na umalis ay umupo pa sa tabi ko

"Magugustuhan mo sasabihin ko" agad akong napatingin sa kanya

"manang ano? tungkol ba kay Elaine? pakiusap sabihin mo" tsaka ako lumuhod sa harap niya pero hinawakan lang ako tsaka pinaupo sa tabi niya.

"hintayin mo ako dito" tumayo siya tsaka naglakad papuntang kwarto nila. Kinakabahan ako sa ano mang sasabihin ni manang. Ilang sandali pa bumalik siya tsaka umupo sa tabi ko. Iniabot sa akin ang PT na na nakaplastic pa pero buka na.

"Yan ang unang test niya, para sure pinagamit ko ulit ng dalawang beses pero gaya ng sagot sa nauna. Positive din ang pangalawa" nagulat ako sa nakita ko. Anong ibig sabihin neto?

"buntis si Elaine nung umalis siya. Hindi siya umalis para ilayo ang anak mo, umalis siya para di makagulo sa bagong pamilya mo"

"anong?! manang sinong bagong pamilya? diko maintindhan?"

"Sa tuwing wala ka kasi laging pinupuntahan ni Alice si Elaine para maltratuhin ng mas masahol pa sa katulong. Nung araw na nasa grocery kami nagkita sila ni Alice at sinabing buntis siya at magpapakasal na kayo sa nalalapit na araw" nanatili akong nakikinig habang lumuluha

"hindi niya pa alam na buntis siya nang araw na yan, unang sintomas ng pagdadalang tao niya yung pagduduwal niya dahil sa tinapay. Sumunod na araw yung sa tuwing umaga na ang akala mo masama lang pakiramdaman niya"

"Pinagamit ko siya ng test para masuri ng tama kung sakit ba yun o pagdadalang tao na at iyan ang naging sagot"

"pero manang bakit siya umalis? walang katotohanan lahat ng sinabi ni Alice. Walang nangyari sa amin, hindi ko magagawang makipagtalik sa iba habang mahal ko na siya. Bakit niya ako iniwan? dimanlang siya nagtanong?"

"napilitan siyang magmadaling umalis dahil nalaman ni Alice na buntis siya kaya ayun, nagkaroon ng gera. Alam mo naman ugali ng babaeng yun. Itulak ba naman si Elaine? naku pag napahamak ang anak ko dahil sa kanya kakalimutan ko talagang katulong lang ako"

"kamusta siya manang? please sabihin mo kung nasan siya? gusto ko siyang makita" pakiusap ko

"hindi ko na sana sasabihin sayo kung anong totoo pero kailangan ka niya eh. Lalo na ngayong maselan ang pagbubuntis niya" napangiti ako tsaka niyakap si manang habang umiiyak

"salamat po."

"wala yun ser, oh kailan mo balak pumunta?" lalo akong napaiyak sa saya

"ngayon na po" ngiting sagot ko

"ah ehh, makipag kasundo ka muna kay Adrian" bakit ako makikipag kasundo dun?

"bakit po?"

"dahil isa siya sa umalalay sa mag-ina mo. Naging mabuti siyang kaibigan kay Elaine, halatang may gusto ang batang yun kay Elaine pero bilib ako ah? hindi niya sinamantala ang pagkakataon na wala ka para ligawan o angkinin si Elaine. Alam mo kung bakit? mahal ka ng kapatid mo" ginawa niya yun?

Alam ko kung gano niya kagusto si Elaine pero nagpigil siya para sakin? mahal ako ng kapatid ko habang ako galit sa kanya? shit!

"sige po manang ako na bahala"

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon