Chapter 44

7.6K 112 1
                                    

              Aiden's POV

"Kayo na magtutuloy, kailangan pa ako ng mag-ina ko" paalam ko kay Adrian at kuya Rey. Hindi ako tumikim ng alak, ayaw ng asawa ko na lasing ako or nakainom pag lalapit sa anak namin.

Ayoko naman na hindi manlang mahalikan si Jaiden bago matulog. Tsaka pinag usapan na din namin ang magiging plano sa  pag po-propose ko sa asawa ko.

Siguro next month na gaganapin. Gusto ko na kasing apelido ko ang gagamitin ng mag-ina ko.

Pagdating ko dito sa room namin ay nadatnan ko si Elaine na hinehele si baby habang nakatalikod sa may gawi ko. Napangiti ako tsaka lumapit sa kanya.

Niyakap ko mula sa likod at hinawakan ang kamay niyang nakawahak kay baby tsaka ipinatong ang ulo ko sa balikat niya

"Pagod na ba asawa ko?" Malambing kong tanong

"Medyo pero okay lang ako. Ikaw, matulog kana. Mamaya puyat ka nanaman niyan" sabi niya tsaka naglakad papuntang kama at pinahiga ang anak naming napakahimbing ng tulog.

Pagkatapos niyang ipahiga si Jaiden ay hinila ko siya tsaka niyakap.

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon