Tia's POV
Nagising ako dahil sa pag iikot ng paningin ko. Diko halos maintindihan kung ano ba tong nararamdaman ko. Nasusuka ako kaya't napabalikwas ako at patakbong nagtungo ng cr.
"Babe bakit?" Nag-aalalang tanong ni Adrian tsaka lumapit sa akin at hinahaplos ang likod ko.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Diko alam kung bakit pero parang masama pakiramdam ko. Di naman masakit ulo ko, pero nakakatamlay" sabi ko. Ngumiti siya
"Ngingiti-ngiti ka diyan?" Tanong ko
"Babe, di kaya...buntis ka?" Parang asong ngiting tanong niya. Natigilan ako. Maaring tama siya, ni halos dalawang buwan akong walang dalaw.
"Oo nga no?" Ngiting tanong ko
"YES! MAY BABY NA TAYO!!" nagtatatalon niyang sigaw
"Huy! Di pa nga sure eh" suway ko
"Sure na yan, hellow baby boy si daddy ito" sabi niya habang nakaluhod sa harap ko at hinahaplos ang tiyan ko
Nakakatuwa lang, kasi yung ibang lalaki ay tatakbuhan at tatalikuran yung responsibilidad nila. Si Adrian, tuwang-tuwa.
Matapos kaming naligo at nag-ayos ay bumaba na kami sa kusina upang kumain. Uuwi kasi kaming bahay ni Adrian, pinauwi kami ni Aiden dito para sa surprise niya kay Elaine.
Lam niyo bang kinabahan ako kay Elaine? Pero labas na ako dun. Plano yan ng asawa niya eh. Mukha namang nag enjoy si Elaine kaya okay na din yun.
"Babe okay kana?" Tanong ni Adrian nang makapasok ako dito sa kotse. Pansin ko, mula kaninang kainan y doble yung paglalambing niya kumpara nung una.
Malambing at maalaga siya dati pa pero doble ngayon eh. Haha, nakakatuwa naman.
"Oo naman" sagot ko
"I love you" sabi niya tsaka ako dinampian ng halik
"I love you more" sagot ko
"Daan tayong doctor babe" sabi niya.
"Para saan?"
"Pa check up natin ikaw. Para na din malaman kung buntis ka talaga o hindi. Kung sakaling oo edi doble ingat tayo. Pero kung hindi, gagalingan ko pa" tawang sabi niya. Hinampas ko naman siya sa braso
"Para kang tanga!" Sabi ko
"Paano kung oo?" Tanong ko
"Waw blessing!" Sagot niya. Napangiti na lang ako bigla
"Ngiti-ngiti ka diyan, na iinlove ako lalo" sabi niya
"Magdrive ka nalang- teka! Diba si Alice yun?" Nahagip kasi ng mata ko si Alice na may kausap na lalaki
"Oo nga no?" Adrian
"Babe, iparada mo" mabilis naman inihinto ni Adrian ang sasakyan kung saan nakikita si Alice at ang lalaki na nag-uusap.
Agad kong binuksan ang camera ko tsaka kinuhanan, wala kaming idea kung bakit pero siguro kailangan kong kuhanan. Hindi naman kasi makikipag usap yang si Alice sa kung sino sino kung walang binabalak diba? At alam kong ang kaibigan ko nanaman ang topic nila
"Babe familiar yung lalaki" biglang sambit ni Adrian
"Oh? Eh nagkita na ba kayo?" Tanong ko
"Parang nakita ko na siya dati?" Sagot ni Adrian
Maya-maya ay umalis na si Alice at naiwan ang lalaki sa daan habang nakangisi.
"Kailangan malaman to ni Aiden" sabi ni Adrian
"Tama ka, iba kung makangisi yung kumag oh" pagkatapos kong kunan ng litrato ay agad kaming umalis at nagtungo ng doctor.
1 month and 3 weeks na pala akong buntis. Heto si Adrian halos dina mawala ang ngiti sa labi niya. Masaya ako pero andito parin sa dibdib ko yung kaba para sa kaibigan ko
Ayokong may mangyaring masama ay Elaine.
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...