Aiden's POV
Paggising ko kaninang umaga sa dibdib ko na nakaunan si Elaine. Na-late na nga ako sa trabaho dahil inantay kong magising kaso 8:00 dipa din gumigising.
Hinayaan ko lang siyang matulog habang titig ako sa kanya. Naalala ko yung kahapon, bakit ba ang sweet nila? Nainggit ako dahil dapat ako yung kasama ni Elaine.
Kaya ayun nagtampo ako. Diko din siya kinausap at sinabayan sa pagkain kahit gustong-gusto ko. Ayoko kasing makita na masaya siya sa iba. Dapat sakin lang, lalo na kay Adrian na halatang gusto siya.
"Sir may naghahanap sayo sa labas" sabi ng secretary kong si Mia
"Sino?" tanong ko
"Katulong niyo daw po?" sagot niya. Ha? katulong? ano naman sadya ng katulong sakin? binigay ko naman sahod nila ah
"Matanda?" tanong ko
"hindi po sir, maganda po siya. Mahaba yung buhok, matangos ilong tas ah basta po maganda maamo mukha tsaka maputi at hanggang lang sa dibdib mo po" paliwanag niya. Si Elaine
"Ano daw sasabihin?" tanong ko. Nagtatampo parin kasi ako sa kanya. Tsaka anong katulong?! future mrs ko yun!
"may dala pong lunch box sir. Pagkain mo po yata, tinanong niya po kasi kung kumain kana tas sabi ko hindi pa" sabi niya.
"sige papasukin mo"
"opo sir"
Umupo ako sa sofa tsaka may kinilikot sa laptop nang pumasok si Elaine. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero diko na lang pinansin at nagkunwaring busy.
"ahmm. Kumain kana ba?" tanong niya. Amoy na amoy ko pa ang bango ng buhok niya. Kalma Aiden, nagtatampo ka. Wag ka padadala sa nararamdaman mo.
"ano ba sabi ng secretary ko?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya
"H-hindi pa" sabi niya.
"Yan yung sagot sa tanong mo" sagot ko
"H-heto oh, dinalhan kita ng pagkain. K-kanina pa kasi kita hinihintay pero dika pa umuuwi kaya hinatid ko na lang. A-aalis din ako agad" sabi niya sabay lapag ng lunch box sa harap ko at tsaka naglakad papuntang pintuan. Haysstt diko na kaya
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...