Chapter 46

7.6K 117 5
                                    


             Adrian's POV

Pagkagising ko ay wala na si Tia sa tabi ko. Napalinga-linga ako sa paligid ko. Hindi ito ang kwarto namin, bumangon ako sabay hawak sa ulo ko. Ang sakit naman.

Tatayo na sana ako nang mapansin ko ang bahid ng dugo sa bedsheet. Napalaki na lang ang ngiti ko. Ngayon ka magyabang Mark. Pero okay lang din sakin kung di ako ang nauna kay Tia dahil ang importante sakin ay yung puso niya.

Inayos ko ang higaan tsaka lumabas ng room ni Tia nang makasalubong ko si Love na nakasandal sa pintuan ng room namin. Nakatingin siya sa akin habang naggigilid ang luha

"Diyan ka pala natulog kagabi?" Tanong niya

"Oo, bakit?" Tanong ko

"Iniwan moko dito, nag-antay ako sayo. Hinintay kita pero ilang oras ba ang nakalipas dika dumating" sabi niya at tuluyan nang bumagsak ang kanyang luha

"Teka, b-bakit ka umiiyak?" Tanong ko

"Ang sakit lang kasi" sabi niya sabay upo sa sahig. Umupo ako sa harap niya, kahit papano ayoko din naman na makakita ng babaeng umiiyak sa harap ko.

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon