Aiden's POV
"Good morning sir, musta po?" Bati ng mga empleyado ko habang dumaraan ako. Tapos na kasi ang pamamahinga ko at heto trabaho nanaman.
"Okay lang, kayo kamusta?" Tanong ko pabalik
"Okay lang din po sir"
"Tsaka salamat po sa pag imbita sa amin sa binyag ni baby Jaiden"
Nginitian ko lang sila at tuluyan nang pumasok sa office ko. Hayy miss ko agad ang mag-ina ko.
Sa susunod na linggo gaganapin na ang binyag ni Jaiden at ang kasal namin ni Elaine. Isa pa yun sa lihim kong inasikaso.
Salamat kay Adrian na umasikaso sa lahat para lang hindi makahalata si Elaine. Hindi naman talaga pumuntang London si Adrian eh.
Pinaayos ko sa kanya ang malawak na kalupaan ni Elaine para doon ganapin ang kasal. Napaka simple kasi niya at sigurado akong ayaw din niya kung sa ibang bansa pa kami ikakasal.
Simple lang si Elaine at alam kong magugustuhan niya yun. Maluwang ang lupain ni Elaine na iniwan sa kanya ng magulang niya. Siguro bilang respeto na din sa kanyang yumaong mga magulang ay sa mismong lupa't bahay nila kami ikasal.
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...