Chapter 59

6.3K 104 6
                                    

Elaine's POV

Tatlong araw na ang nakalipas mula nung nangyari ang isa sa pinakamasasayang araw sa buhay ko. Mama, papa? Ikakasal na ako. Ikakasal na sa taong mahal ko at mahal ako.

Heto ako ngayon nagluluto ng agahan dahil day off ng isa sa katulong namin. Yung isa naman ayun maagang naglaba, yung isa nagpupunas ng platong hinugasan niya at si nanay naman nasa labas nag didilig ng halaman.

"Maam, swerte mo kay ser no?" Ate Melda

"Oo naman" ngiting sagot ko.

"Tsaka swerte din po namin dahil kayo ang naging amo namin" dagdag niya

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko

"Yung iba po kasi na katulong, sinasaktan nila. Yung tipong di manlang bigyan ng oras para magpahinga. Yung hindi pinapakain. At isa pa, parang isang hayop kung tratuhin. Samantalang kayo, di nga po namin naramdaman na katulong lang kami. Napakabait po ni ser lalo kana" paliwanag niya.

"Alam mo ate Melda, pamilya tayo. Hindi na kayo iba sa amin. Naranasan ko na din kasi ang maging isang katulong, at sa sariling tiyahin ko pa" kwento ko

"Maaga kasing nawala si mama at papa kaya maaga akong naulila. Walang alam sa mundo, inampon ako ni tita pero hindi bilang isang anak kundi isang katulong"

"Eh maam, tiyahin mo yun diba? Bakit ka naging katulong?" Tanong niya. Napabuntong hininga ako

"Hindi ko daw kasi kayang bayaran ang utang ng magulang ko sa kanila kaya naman kinuha nalang ako para maging katulong nila. Minaltrato, ginutom at sinaktan lang. Pero okay lang naman yun sakin basta ang importante may makain lang ako" kwento ko. Diko lang maiwasang hindi maluha sa kwento ng buhay ko noon pa

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon