Elaine's POV
"Good morning..." nakangiti at malambing na bungad sa akin ni Aiden. Bakit ba nandito pa to?
"Wala kabang trabaho?" tanong ko
"Hindi na ako pumasok dahil sabi ni manang-" napatigil siya dahil sa biglaang pagtakbo ko papuntang banyo at nagsuka.
"Teka, okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Aiden habang hinahaplos ang likod ko habang patuloy naman ako sa pag duwal
"okay lang. Penge tubig" agad niyang nilagyan ang baso ng tubig na nasa lamesa tsaka iniabot sakin
Iinumin ko na sana pero ewan ko kung bakit maligamgam na tubig ang gusto ko.
"bakit?" tanong niya
"pwede bang haluan mo ng mainit na tubig?" tanong ko. Siguro malapit na mens ko, delay ako ng isang buwan. Nagkadalaw ako nito huling buwan pero isang dalawang araw lang.
"heto na" sabi niyang halos patakbo nang maglakad papunta sakin
"okay ka lang?" tanong niya. Tumango ako
"magbihis kana, tarang doctor" anyaya niya pero tumanggi lang ako tsaka humiga.
Tinatamad ako sa lahat. Parang gusto ko lang matulog maghapon. At maghapon lang din akong pinipilit ni Aiden magpakonsulta sa doctor pero tanggi lang din ako ng tanggi.
Sinabi niya na din na nag absent siya dahil sabi daw ni manang na maghapon daw akong matamlay kahapon kaya heto si Aiden at hindi na pumasok sa trabaho. Okay lang naman ako eh, tsaka ayoko nang inaalagaan niya ako.
Si Alice dapat ang inaalagaan niya dahil magkaroon na sila ng anak at yun ang masakit. Pero okay na din, nang magkaroon na siya ng masayang pamilya. Lalayo ako at dina magpapakita gaya ng gusto ni Alice.
kinabukasan
"sigurado ka bang okay ka lang dito?" tanong ni Aiden
"oo nga, sige na" sabi ko.
Ayaw pa pumasok nang trabaho eh okay lang naman ako. Hinalikan niya ako sa labi tsaka ngumiti at umalis. Napahawak ako sa labi ko, ilang araw na lang ang natitira at aalis na ako.
Pero paano? saan ako pupunta? alam ni Aiden kung saan ako nakatira. Ayoko din naman makaabala kay Tia.
"Pasok na sa loob" sulpot ni manang
"kayo po pala" sabi ko
"mamaya makita ka ni bruha este maam Alice diyan awayin ka ulit" sabi niya. Napatawa ako
"manang talaga. Tara na nga!" sabi ko tsaka ko siya inakbayan at pumasok sa loob.
nanonood ako ng tv kasama si manang nang magikot ulit ang sikmura ko. Agad akong napatakbo sa lababo at dumuwal. Sinundan ako ni manang Ester na may hawak na tubig.
"Teka, nung isang araw kapa naduduwal ah. Ano bang nararamdaman mo?" tanong ni manang
"nahihilo po ako minsan manang. At dalawang araw na po akong walang kagana-gana. Matamlay po ako at nung kahapon po ng umaga pagkagising ko nang umaga dumuwal po ako. Kanina din pong gumising ako tsaka ngayon" kwento ko sabay upo. Napatingin sa akin si manang tsaka umupo sa harap po
"Anak kailan huling dalaw mo?" tanong niya bigla.
"dalawang buwan na po akong delay tsaka ngayong huling buwan dalawang araw lang po ang dalaw ko tsaka konti-konti pa" paliwanag ko tsaka ulit uminom ng tubig
"anak, di kaya buntis ka?" nasamid ako sa biglang tanong ni manang Ester
"Sintomas yan ng pagdadalang tao"
"teka" dali daling lumabas si manang at ewan kung saan siya nagpunta.
Natulala ako. P-pwedeng totoo ang hinala ni manang Ester. Kung totoo ngang buntis ako, ibig sabihin. N-nabuntis ako ni Aiden? Hindi!
Hindi niya pwedeng malaman, ayokong masira sila ni Alice. Hindi pwede, may anak sila. Tulala lang ako nang dumating si manang na may dalang dalawang PT at iniabot sa akin
"Heto subukan mo nang malaman ang totoo"
Pagkagamit ko ng PT na dalawa ay hindi ko muna tinignan. Sabi kasi ni manang na dalawa daw para sure. Pinulot ko ang nakataob na PT at lumabas tsaka tinawag si manang. Unti unti kong binuksan ang palad ko at napaupo nalang ako sa parehong sagot.
"Positive" bulong ni manang
"Manang... k-kailangan kong umalis dito. Tulungan mo ako pakiusap" umiiyak at nakaluhod sa harap niya
"teka anong ibig mong sabihin?" tanong ni manang Ester at inalalayan akong tumayo
"HINDI PWEDE!!!" galit na sigaw ni Alice. Akma siyang lalapit sa akin upang saktan nang itulak siya ni manang
"subukan mong saktan si Elaine magkakaalaman tayo!" banta ni manang
"Kinakampihan mo pa yang malanding yan?! at ikaw matanda ka! ang lakas ng loob mong itulak ako! katulong ka lang dito!" sabi niya tsaka sinampal si manang
"tama na!" sigaw ko. Napatigil sila at tumingin sa akin
"h-hindi mo kailangang manakit" sabi ko habang umiiyak
"lalayo ako gaya ng napag usapan natin. Ayokong masira relasyon niyo ni Aiden-"
"pwes lumayas kana!" galit niyang sigaw.
"aalis naman ako eh-"
"kailan pa?! ha?! ngayon na!" sigaw niya. Wala na akong nagawa kundi tumakbo papuntang kwarto at mag empake habang iyak ng iyak.
"Anak saan ka ngayon pupunta?" tanong ni manang Ester habang tumutulong sa pag aayos ng gamit ko
"ewan ko po manang." sagot ko
"Tumira ka muna sa bahay ko anak. Wala na kasing nakatira doon, sasamahan kitang probinsiya" napayakap ako kay manang dahil sa narinig ko. Kahit pala papano may nagmamalasakit sakin.
Pagkatapos kong mag empake ay agad kaming bumaba nang makasalubong ko si Adrian. Agad akong kinabahan
"saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya
"aalis, magpapakalayo at dina magpapakita" sabi ko
"Teka, anong. Wait! ang gulo, ano bang nangyari?" tanong niya
"Adrian buntis ako!" sabi tsaka umiyak. Natigil siya
"Ano?"
"Buntis ako at kailangan kong lumayo. Magkakaanak na sila ni Alice at hindi p-pwedeng malaman niyang pati sa akin may anak siya" sabi ko
"p-pakiusap tulungan mo ako" sabi ko
"saan mo balak pumunta?" tanong niya
"may alam si manang, papunta kami ngayon doon at pakiusap ilihim nalang natin to kay Aiden" sabi ko
"pangako" sabi niya
Nakasakay kami ngayon dito sa sasakyan ni Adrian papuntang probinsiya. Ikwinento ko na din ang buong katotohanan kay Adrian kung bakit ako sapilitang naglayas.
Pagkadating namin dito ay namangha ako sa ganda at linis ng bahay. Simple, Hindi kalakihan at tahimik.
"Oh anak, aalis na kami" sabi ni manang Ester tsaka ako niyakap
"mag-iingat ka dito. At ngayong meron kana dito lagi na akong hihingi ng day off para puntahan ka dito" sabi niya
"salamat po" sabi ko tsaka siya lumabas. Naiwan naman kami ni Adrian dito sa loob
"Elaine okay ka lang ba talaga dito?" alalang tanong niya
"oo naman" sagot ko kahit hindi
"tss. Ganto nalang bukas babalik ako dito kasama ang kasambahay na makakasama mo. Please huwag ka ng umangal"
"ano pang magagawa ko?"
Ngumiti siya tsaka ako niyakap
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...