Elaine's POV"Manang heto pa po" iniabot ko ang malaking shampoo kay manang. Nandito kasi kami grocery ngayon, wala na kasing stocks sa bahay.
Dalawa lang kami ni manang tsaka yung driver dati ni Aiden. Naglalakad lang ako papunta nang ibang direksyon nang mabangga ako ng babae dahilan para matapon ang hawak ko
"Ano bang problema- Oh! Elaine" siya na nga tong nakabangga siya pa tong galit.
"pasensiya na" sabi ko tsaka aalis na sana ngunit mabilis niyang hiniwakan ang braso ko tsaka hinigpitan. Ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya
"aray! bitawan mo nga ako!" sabi ko pero mas diniinan pa niya ang kuko niya
"ouch-"
"layuan mo si Aiden!" sabi niya
"at bakit?" matigas kong tanong.
"huh! dimo alam? pinapaalam ko lang sayo na may girlfriend yung tao, ikalma mo yang kakatihan mo! sa iba ka magpakamot at huwag kay Aiden! naiintindihan mo ba?!"
"hindi ako makati, kung gusto mo si Aiden edi sayo lang! nagtratrabaho lang ako doon at wala akong balak agawin ang pagmamay-ari ng iba." sagot ko. Sa totoo lang ako din mismo nasasaktan sa mga sinasabi ko. Hindi ko pagmamay-ari si Aiden pero minamahal ko na.
"dimo magustuhan ang gagawin ko, dimo ako kilala Elaine. Layuan mo ang boyfriend ko!" sigaw ni Alice tsaka pabagsak na binitawan ang braso kong may bakas ng kuko.
"Magpapakasal na kami, buntis ako. Heto ang patunay" sabi niya sabay abot sa akin ng PT. Ayokong tignan dahil di naman niya ipapakita kung negative yun diba?
"wait, alam kong wala kang pera kaya heto oh. Mahigit isang milyon yan kaya makakaalis kana...sa buhay namin ni Aiden" pigilan mo Elaine. Huwag kang iiyak. Huwag mong ipakitang nasasaktan ka. Matapang ka diba?
"huwag kang mag-alala, hindi ako gaya ng inaakala mo. Lalayo ako nang walang kukuning kahit maliit na halaga galing sayo lalong lalo na kay Aiden. At please lang din, huwag mo na akong hanapin pa para lang laitin at apihin. Lalayo ako at hindi magpapakita gaya ng gusto mo" sagot ko tsaka tumalikod at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko tsaka patakbo na nagtungo ng sasakyan
"k-kuya labas ka muna please" pakiusap ko kay kuya Rey na driver.
Nang lumabas siya ay doon ko lang naiiyak ng husto. Ito na siguro ang karma ko. Mama, papa, kailangan ko kayo. Bakit ba kasi ang aga niyong nawala? wala manlang akong mapagsasabihan ng sama ng loob ko.
Nasasaktan ako, pinigil kong mahulog kay Aiden pero hindi ko nagawa. Nagmahal ako ng taong hindi pa tapos nagmahal sa iba. Buntis na si Alice at ang lalaking mahal ko ang ama. Ang sakit naman.
"Maam-" biglang binuksan ni manang Ester ang pinto at nakita akong humahagulgol nang iyak. Lumapit siya sa akin at tsaka ako niyakap
"Alam mo iha, pwede mong sabihin sakin yung bigat na andiyan sa dibdib mo" mas lalo akong napahagulgol
"manang..." tawag ko sa pangalan niya tsaka ako umiyak ng umiyak.
"okay lang yan anak, iiyak mo hanggang mabawasan yung bigat dito" sabay turo sa puso ko
"manang...h-hindi ko po alam kung p-paano ko sisimula pero a-ang sakit sakit po. Masama po ba akong tao para karmahin nang ganito?" hagulgol kong tanong
"Hindi naman karma yan anak eh. Pagsubok lang yan at maniwala ka sakin malalagpasan mo din yan"
"Diko na po kaya"
"walang pagsubok ang hindi malalagpasan, tahan na anak"
"manang, bakit po ang bait mo sakin?" tanong ko habang nasa byahe
"nakikita ko kasi sayo yung anak kong namatay dahil sa aksidente. Mag-isa na lang akong namumuhay"
"asan po asawa niyo?"
"patay na din eh"
"eh anong balak mo ngayon iha?"
"lalayo na lang po manang, at dina magpapakita" sagot ko tsaka tumingin sa bintana.
"eh saan ka naman pupunta?" tanong ni manang sabay bukas ng tinapay na binili namin kanina. Pagkabukas niya ng tinapay ay agad nag ikot ang sikmura ko, nasusuka ako
"k-kuya pakihinto" sabi ko tsaka tinakpan ang bibig ko. Mabilis naman ihininto ang sasakyan tsaka ako nagmamadaling lumabas at nagduwal sa labas.
"okay ka lang anak?" tanong ni manang sabay hagod ng likod ko
"m-manang ang b-baho ng hawak mo-" sabi ko sabay duwal ulit pero tubig lang lumalabas
"ah. Pasensiya kana" sabi niya tsaka muling binalot ang tinapay at inilagay sa bag niya
"heto tubig"
pagkatapos kong dumuwal ay agad na kaming umuwi upang magpahinga. Pakiramdaman ko kasi sobrang pagod ako.
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomansIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...