Aiden's POVNapapangiti na lang ako kapag naaalala ko si Elaine kanina. Ang ganda niya, diko maiwasang hindi magkagusto agad sa kanya. Ibang-iba yung appeal niya. Yung tipong kahit todo pigil ka sa pagtitig sa mukha niya ay parang may magnet yung mukha niya?
Siya pa lang ang unang babaeng nakaramdaman ko ng ganito. Sex lang ang habol ko sa kababaihan pero iba siya eh. Parang mas gusto ko pang maging close kami? Wag niyo din sana ako husgahan kung ganon lang habol ko sa iba ha?
Nung bata kasi ako, yung daddy ko ilang babae na ang dumaan sa buhay niya. Una si mom, tas after ng gabing pakikipagtalik kay dad ay iniwan siya. Sabi ni mom mahal niya si dad pero hindi pala dahil pera lang ang habol niya. Ilang araw lang ang nakalipas nang sumunod ang ibang babae. Iniwan ulit siya after bigyan ni dad ng isang malaking halaga.
Madaming pang dumaan na babae sa buhay niya pero sa lahat ng babaeng yon ay may dalawang nagbalik dahil buntis. Siya ang mommy ko at mommy ni Adrian. Pinanagutan ni dad ang mom namin ni Adrian, inalagaan at tinuring na parang asawa pero after manganak iniwan din ulit.
Kapwa 1 year old kami ni Adrian nang umalis ng walang paalam ang mom namin. Dahil sa sakit na naramdaman ni dad hindi siya kumakain at nagkukulong lang sa kanyang kwarto hanggang sa mamatay. Si manang Yolly lang ang nag-alaga sa aming magkapatid.
Lahat ng yaman ni dad ay pinamana sa amin, isang malaking sikat at mamahaling restaurant, Café, at mall ang pinamana sa akin habang si Adrian ay dalawang malaking company naman. Mula nang tumuntong ako sa taon kong 17 ay nagsimula na ako sa pakikipaglaro sa mga babae.
Lahat ng magustuhan at matipuan ko hindi ako pumapayag na hindi ko nakuha sa isang gabi. Nang nag 19 na ako o na-realise kong dapat kong pagtuunan ng pansin ang trabaho at sariling buhay ko para maging milyonaryong lalaki kaya nagbago ako. Isang taong tigang kaya nagpahanap ako ng babaeng mababayaran para pampalipas oras ko.
Nagpahanap ako kay Tia na pamangkin ng cheif sa restaurant na pagmamay-ari ko. Si Tia sana kaso nakuha ng atensyon ko ang kasama niyang babae noon, napakaganda niya. Di siya nakakasawang tignan. Nakiusap ako sa kanyang ipakilala ako pero sabi niya wala daw balak magkaroon ng boyfriend si Elaine.
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...