Chapter 58

6K 101 2
                                    


                Alice's POV

Pinapanood ko ngayon ang video na kuha ng isang tauhan ko na nag apply sa kumpanya ni Aiden. Hindi ko gusto ang nangyayari!

"AAAARRR!!!!" Sa galit ko ay ibinato ko ang laptop sa sahig tsaka inapakan ng paulit-ulit

Ako dapat yun! Ako ang ikakasal at hindi siya! Kami dapat ni Aiden at hindi sila! Talagang ginagalit mo ako Elaine!

"Anong nangyari? Galit ka na naman" sulpot ni Aaron sa pintuan. Yan si Aaron kaibigan ko.

"Ako dapat yun! Ako ang ikakasal!" Umiiyak kong sigaw

"Sino? Yung si Elaine nanaman ba?" Tanong niya sabay upo sa sofa

"Sino paba?!" Bulyaw ko

"Alam mo, imbis na magsisisigaw ka jan at mag wala..."

"Mag-isip ka na lang ng paraan kung paano mo sirain ang pagsasama nila" napaisip ako at tumingin kay Aaron

"Nakita mo na ba si Elaine?" Tanong ko

"Ahm hindi pa, pero pangalan palang chicks na" sagot niya. Fuck boy ka talaga kahit kailan!

"Heto oh, halika may papakita ako sayo" binuksan ko ang gallery ng cellphone ko at ipinakita ang pictures ni Elaine.

"Wow shit! Ang gandang dalaga-" agad ko siyang binatukan

"Tanga! Dalaga?! Mukha ngang lola eh!" Sabi ko pero hindi nakinig

"Ang kinis ng hita, ang hubog ng kanyang katawan wow! Ang ganda niya!" Papuri niya.

Naisip ko. Iba tong si Aaron eh, hindi ito yung tipo ng lalaki na kung gusto niya ay gusto niya lang. Siya yung tipo na kung gusto niya ang isang babae ay hindi niya hahayaan na hindi ito makaisa o sa mas madaling salita, hindi niya nakuha kahit isang gabi lang. Napangisi ako.

"Gusto mo?" Tanong ko

"Tangina, walang panama mga naging ex ko sa ganda ng babaeng yan" sagot niya

"So gusto mo nga?" Pag uulit ko

"Sobra" ngiting sagot niya

"May plano tayo" sabi ko

"Plano na naman? Puro ka naman palpak" sagot niya.

"Hindi na sa ngayon" sabi ko

"Eh ano naman yun?" Aaron

Sinabi ko sa kanya ang plano at natuwa naman siya. Tignan natin Elaine, kung tatanggapin kapa ni Aiden kung natikman kana ng iba.

Humanda ka, dahil sa araw ng kasal mo na ang inaakala mong maligayang araw mo tatapusin ko ang laban na ito at sisiguraduhin kong ako ang mananalo. Ang inaakala mong pinakamaligayang araw mo ay gagawin kong pinaka masamang bangungot sa buong buhay mo.

Papatayin ko ang anak mo, sisirain ko ang buhay mo gaya ng ginawa mo sakin. Dodoblehin ko ang sakit na naranasan ko nung panahong pinagtabuyan ako ni Aiden dahil sayo. Dahil sayo kaya ako nagkaganito!

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon