Elaine's POVNagising na lang ako ng may dalawang lalaki sa loob ng kwarto namin. Kinuha ang anak ko.
"Anong ginagawa niyo?!" Sigaw ko tsaka ako lumapit sa lalaki upang kunin ang anak ko pero mabilis akong hinawakan ng isang lalaki kaya agad ko din itong kinalmot.
"Saan niyo dadalhin ang anak ko?" Umiiyak kong tanong pero tinulak lang ako ng lalaki sa may kama. Dahilan para mapahiga ako
"Diyan ka lang kung ayaw mong masaktan!" Banta niya sakin tsaka umalis
Saktan niyo na ako, patayin ano man ang gustuhin niyo basta ibalik niyo ang anak ko!
"Jaiden!" Tawag ko sa pangalan ng anak ko nang marinig kong umiyak dito.
Tumakbo ako papuntang pintuan at agad bumaba ng hagdan. Pagtingin ko sa sala ay may kasamahan pa pala ang dalawang lalaki na kumuha sa anak ko at bihag ang tatlong katulong pati na din sila nanay at Jade
"Nay! Jade!" Sigaw ko
"Tahimik!" Sigaw sakin nung lalaki tsaka tinutukan ng baril ang anak ko.
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...