Chapter 11

14.8K 188 1
                                    


              Elaine's POV

Nagising ako nang walang Aiden na nakahiga sa tabi ko. Bukas din ang bintana sabay ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako nang maramdaman ko ang hapdi ng hiwa ko.

Kita ko din ang bahid ng dugo na tumulo sa bedsheet ko. Ang sakit ng katawan ko para akong binugbog. Tumayo ako at naglakad palabas pero napatakbo din nang makita kong wala akong suot maski bra at panty. Agad kong hinanap ang bra kong tinapon ni Aiden kung saan saan. Di ko na nahanapan kaya dumiretso na lang ako sa cr para maligo.

Medyo masakit ang gitna ko, kaya binilisan ko nalang ang pag ligo. Saan kaya yung gwapong manyak na yon?! iniwan na kaya ako? pagkatapos kong maligo ay pumunta akong kusina, may nakahanda ng pagkain. Eh nasaan na kaya yun?

"Good morning" sabay yakap ni Aiden mula sa likod ko tsaka hinalikan ang leeg ko

"saan ka galing?" tanong ko

"Nag-ikot ikot lang diyan sa labas. Ang ganda kasi ng tanawin tsaka ang sarap ng hangin kaya nag-ikot muna" sabi niya habang nananatili niya akong yakap. Ramdam ko ang paghalik at pag amoy niya sa leeg ko. Parang may bulate sa tiyan ko. Kinikilig ba ako?

"ah okay" sabi ko habang pigil hininga.

"Musta pakiramdam mo? okay ka na?" tanong niya sabay bitiw tsaka hinila ang upuan na uupuan ko sabay upo niya din sa tabi ko

"Wala naman akong sakit" maang maangan ko kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Ngumisi siya, ang gwapo niya padin kahit ngisi ng ngisi tss!

"Ibig kong sabihin, yang-" agad kong isinubo sa kanya yung fried chicken na hawak ko.

"k-kain na tayo" pangiiba ko. Nahihiya na nga ako eh! psh!

Sinubo ko na lang ang manok at pinuno ang bunganga ko sakaling dina siya magtanong kung makita niyang punong puno ng pagkain bunganga ko

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon