Chapter 50

7.7K 130 26
                                    


                Aiden's POV

Kasalukuyang nasa meeting ako ngayon. Inaantok pa nga ako eh, di manlang ako nakatulog ng maayos kagabi kahit nakausap at nakita ko ang mag-ina ko sa cellphone. Mas lalo ko silang na mimiss. Hayyy, anytime naman pwede akong umuwi pero kailangan kong tapusin 'to bago uuwi nang wala na akong babalikan dito.

"Mr. Toralba? Nakikinig kaba?" Tanong ni mr. Alvarez

"Yes" sagot ko kahit hindi naman. Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang ako, hindi mawala-wala sa isip ko ang mag-ina ko.

Kamusta na kaya sila? Nakakatulog ba sila ng maayos ngayong wala ako sa tabi nila? Pero bakit parang ang bigat ng dibdib ko?

"Sir may tawag ka" sabi ng secretary ko sabay abot ng cellphone ko. Si Adrian, ano nanaman ba kailangan niya?

"Hello?-"

"Aiden kailangan mong umuwi!" Kabado at nanginginig na boses ni Adrian mula sa kabilang linya. Shit bakit mas lalong bumigat dibdib ko?

"Bakit anong nangyari?" Nag aalalang tanong ko

"Ang mag-ina mo, n-nasa emergency room-"

"Tangina anong nangyari sa kanila?!" Malakas na boses mula sa akin. Napatingin silang lahat sa akin pero wala akong pakialam

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon