Aiden's POV
"Hi daddy" bati ng anak ko pagkapasok niya ng kotse.
"Musta unang klase anak?" Tanong ko sabay halik sa kanyang noo
"Okay yang po daddy" sagot niya ng nakangiti
"Nag behave kaba?" Tanong ko
"Opo daddy" sagot niya
"Very good anak, bili tayo laruan mamaya" sabi ko
"Ahm ser..." Parang di mataeng sambit ni ate Mel nang makapasok sa kotse
"Oh, bakit?" Tanong ko
"Ahhh... Ser, pinapatawag ka sa school bukas. Gusto ka daw makausap ni mrs. Gonzales" napatingin ako sa anak kong nakangiti sa akin
"Jaiden?" Tawag ko sa pangalan niya.
"Anong ginawa mo?" Maalumay kong tanong
"Shorry daddy, hindi ko po shinashadya" sabi niya kasabay ng pamumula ng kanyang mata.
"Teka, bakit ka iiyak?" Agad ko siyang binuhat at niyakap
"Ser, binato niya po kasi yung salamin sa classroom nila" sumbong ni ate Mel
"Daddy gayit ka kay Jaiyen?" Tanong ng anak ko
"Hindi anak, bakit naman ako magagalit? Sabi mo nga diba, dimo sinasadya. Kaya bakit pa ako magagalit? Papalitan ko yun huwag na umiyak ha? I love you" sabi ko tsaka siya hinalikan sa ulo
"Hindi na iyak Jaiyen!" Sabi niya sabay palakpak
"Haha, oh siya tara na. Inaantay kana ni mama" sabi ko.
4 years old palang ni Jaiden at pinayagan naman pumasok sa school kahit wala pa siya sa tamang taon para mag-aral sa kinder. Tsaka nagmana ata siya sa mama niya, napakatalino ng anak ko
"Daddy biyi tayo toy?" Tanong niya bigla habang naglalaro ng kanyang car
"Oo anak pero sunduin muna natin si mama ha?" Sabi ko. Tumango naman siya
"Daddy ay yab yu" sabay halik sa pisngi ko.
"Sweet naman ng anak ko, isa pa nga" agad naman akong binigyan pa ng isang halik. Kahit laway lang ang pumunta sa mukha ko
"I love you more anak ko" sagot ko
"Ay yab yu tata Mel" habang lumalaki ay 'tata' ang tawag sa katulong niya.
"I love you din baby" sagot naman ni ate Mel
Pagkadating namin ng bahay ay agad bumaba si Jaiden at tumakbo papasok ng bahay habang si Elaine naman nakangiti at patakbong sinalubong ng yakap si Jaiden
"Miss ko agad baby ko, mmmm paamoy ng pawis. Mmm bango" sabi ni Elaine habang inaamoy si Jaiden na tumatawa
"Mahal" sabi ko tsaka siya hinalikan sa labi
"Pagod asawa ko" Elaine
"Okay na ako, napawi na eh. Salamat sa inyo ni Jaiden" sabi ko
"Hmmm. Anak baba ka muna, kukuhanan ko lang ng damit si daddy ha?" Sabi ni Elaine tsaka ibinaba si Jaiden na kanyang buhat-buhat
"Mamaya na mahal, lalabas tayo" sabi ko
"Ha? Eh saan ang punta?" Tanong niya
"Mama gushto ko po yaruan" singit ng anak namin.
"Ang dami mo ng laruan anak eh, gusto mo books naman?" Tanong ni Elaine
"Opo" Ngiting sagot ni Jaiden
"Very good anak"
Nakakatuwa lang, yung nahanap mo na yung babaeng mamahalin mo ng higit pa sa buhay mo? Sinasabi ko ito habang nakatingin sa mag-ina kong namimili ng libro at coloring books.
Pagod maghapon pero isang yakap at ngiti lang ng dalawang taong sobrang halaga sa buhay ko ay lahat ng pagod nabubura at napapalitan ng saya.
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...