Adrian's POV
Pagkatapos namin uminom ni kuya Rey ay heto ako naglalakad papuntang room namin ni Lovely, kailangan ba talaga magkatabi kami? Pwede bang si Tia na lang katabi ko?
Pagewang gewang akong naglalakad pero alam ko pa naman ang mundo ko. Sadyang trip ko lang angkinin ang daanan ko.
Napatingin ako sa pintuan ng room ni Tia nang makarating ako dito sa room namin. Halos magkatapat lang kasi, papasok na sana ako nang makita si Tia na nakatulalang naglalakad palapit dito sa room niya, galing siguro sa boyfriend niya.
Siguro ito na pagkakataon kong sabihin sa kanya. Sumandal ako dito sa pintuan niya tsaka siya hinintay na makalapit. Nang makalapit na siya ay tsaka na ako napansin.
"Ginagawa mo dito?" Pagsusungit niya pero tinitignan ko lang siya.
"Tabi na, inaantok na ako" sabi niya
"Saan ka galing?" Tanong ko
"Ano bang pakialam mo? Ayan oh, yang pakialamerang Mae na yan ang pakialaman mo" sabi niya. Hinawakan ko braso niya tsaka hinila at niyakap pero tinutulak niya lang ako
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...