Elaine's POVKakatapos ko lang naglinis ng bahay, nakakapagod pero atlist exercise na din para sa aking buntis. 5 months ng buntis at medyo malaki na din. Ang hirap magbuntis ng walang asawa sa tabi mo. Nakakaiyak dahil sa pagsilang ko ng anak ko wala manlang siyang ama na kikilalanin.
Muli akong nagpunas ng luha, nakasanayan ko na ang ganito. Bago matulog iiyak muna, bago bumangon luha ang unang mahahawakan. Masakit sa puso.
Laking pasasalamat ko nalang dahil sa kabutihang loob ni Adrian lalong lalo na si manang pakiramdam ko di ako nag-iisa. Gusto kong magtanong kay Adrian kung kamusta na ba si Aiden pero siguro mas mabuti na lang yung wala akong alam. Tama na tong sakit sa dibdib ko.
"Elaine, nandiyan na po sa labas si aling Ester" tsaka salamat din kay Jade na umaalalay sa akin. Binabayaran ni Adrian para makasama ko dito
"Sige ate palabas na" dahan-dahan akong bumangon tsaka hawak ang tiyan kong naglakad palabas habang nakangiti.
"Elaine anak, kamusta kana?"
"okay lang po nay, kayo po?" tanong ko. Ayaw niya kasing tawagin kong manang. Nanay na lang daw po kasi tinuturing niya na akong tunay na anak.
"Okay naman anak. Ano kumain kana ba? heto may dala akong pagkain mo"
"kumain na po ako nay, uhmm itatabi ko nalang po para mamaya" sabi ko.
"Oh sige. Oh kamusta ang pagbubuntis mo?"
"okay naman po, mahirap pero kakayanin" sa tuwing nagtatanong kasi ako kay nanay Ester kung kamusta si Aiden pero palagi niyang iniiba ang usapan. Hindi na din ako nangulit dahil siguro masayang masaya na siya sa piling ng mag-ina niya at siguro ayaw lang akong masaktan ni nanay sakaling ikwento niya kung gano na kasaya ang pamilya ni Alice ngayon
"Anong balak mo pagkasilang mo?"
"siguro nay, pagkasilang ko ako naman po ang magtratrabaho para sa atin ng magiging baby ko. Titigil na po kayo sa pagtratrabaho at alagaan na lang ang gwapong apo niyo" sabi ko tsaka tumawa
"hmmm. Wala kabang balak ipakilala sa ama niya?"
"okay na po yung di niya kilala ama niya nay, ipaparamdam ko sa kanya yung pagmamahal na mas higit pa sa pagmamahal ng kumpletong pamilya" sinasabi ko ang mga bagay na dumudurog sa puso ko. Bigla nalang pinunasan ni nanay ang mata kong lumuluha na pala
"kaya mo yan anak. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo"
"oh nag-iiyakan kayo diyan" sulpot ng bagong dating na si Adrian
"Oh ikaw pala, kamusta?" tanong ko. Lumapit siya sa akin tsaka ako hinalikan sa noo tsaka sa tiyan. Wala kaming relasyon pero ganyan siya sakin. Halos nakasanayan ko na nga eh
"okay lang, ikaw kamusta ka dito?" tanong niya pabalik
"okay lang. Ikaw dika okay" ngumiti ako ng mapait, palagi naman eh.
"Gusto mo labas tayo? para naman kahit minsan lang sa isang linggo lumabas ka naman. Nang makakita ka naman ng magagandang mukha sa labas at hindi yung mukha ng kapit bahay mong mga bakla ang lagi mong nakikita. Baka mamaya mukha nila ang magiging kamukha ng baby mo" tawang biro niya.
"uy ano kaba?! marinig ka nila" suway ko
"mabait naman sila, hayaan mo na" sabi ko habang nakangiti
"hmmm"
"Ano labas tayo?"
"ahmm sige ba" sabi ko.
Namiss ko lang nung panahong dipa ako buntis na sumakay kaming rides na halos mamatay na ako sa takot. Yung ikaw pa nag aya pero ikaw din pala unang susuko?
sarap lang balikan ang mga araw na yun. Kaya ngayon hanggang lakad-lakad at nood nood na lang kami dahil malaki na si baby sa tiyan ko. Ang dami ding bawal na pagkain para sa akin ayun sa sinabi ng doctor. Medyo maselan kasi eh.
"pagod kana ba?" tanong ni Adrian
"oo eh. Tara upo muna tayo" sagot ko
"heto tubig"
Mukhang nag enjoy din si Jade dahil kagaya ko yan minsan lang sa isang linggo kung lumabas ng bahay. Wala kasi kaming maayos na sasakyan kundi trycicle na akala mo nasa karera.
Matagtag pa ang bata o manganak akong wala sa oras. Okay na yung maboring kami sa bahay kaysa mapahamak kami ng anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko kagaya ng pagmamahal ko sa ama niya. Siya ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.
Maghapon kaming namasyal pero syempre mas madami ang upo kaisa lakad dahil sa kalagayan ko. Madali akong mapagod at suki ako ng cr. Halos minuminuto akong ihi ng ihi. Lalo na sa gabi, hayyy.
"pahinga kana" tsaka ako kinumutan ni Adrian
"okay lang naman ako. Baka dika makapag asawa niyan akala nila asawa mo ako. Okay na sa akin yung pinapasyal mo ako huwag na yung pagsilbihan mo ako. Salamat ha?" ngumiti siya tsaka tumingin sa mga mata ko
"sana nga ako nalang ang ama ng baby mo. Sana ako nalang" sabi niya nang diretsong nakatingin sa mga mata ko
"lah? pinagsasabi neto" naiilang ako kaya kunwari tumingin ako sa tiyan ko tsaka hinaplos
"Sige uuwi na kami. Ingatan mo sarili mo tsaka tawagan mo lang ako kung may kailangan ka"
"sige, salamat"
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...