Chapter 30

9.8K 150 5
                                    


         Adrian's POV

"sir may naghahanap po sa inyo sa baba" sino naman kaya yun?

"pakisabi wala akong oras makipag-usap sa kanya ngayon. kung gusto niya mag set siya ng meeting. Busy ako" madami akong inaasikaso tsaka pinagsasabay ko na ngayon para makapag leave ako ng isang linggo. Pupunta ako kay Elaine para may kasama siya doon.

(huwag kang oa Adrian, meron si jade dun!)

Fine! na miss ko siya!

"sir gusto niya daw po ngayon eh?" sulpot ulit ng secretary ko

"diba sabi ko mag pa schedule siya ng meeting kung gusto niya akong kausap?!" sigaw ko. Pagod ako tapos may mangungulit pa

"S-sinabi ko na po pero mapilit talaga"

"sino ba yun?"

"ako!" biglang sulpot ni Aiden mula sa pintuan.

"bakit ayaw mo akong papasukin?! porket may sariling bahay kana dimo na ako kilala?!" pano nasali ang bahay ko dito?

"di sinabing ikaw eh!" sagot ko. Sinenyasan ko naman ang secretary kong lumabas. Hindi naman yan pupunta at mangungulit dito kung wlang kailangan

"Kailangan ba sabihin?"

"natural nang malaman ko- teka ano bang sasabihin mo nang hindi tayo parang bata na nagbabangayan dito. Tsaka diba galit ka sakin? alis na kita mong busy ang tao"

"alam mo ang tungkol dito" sabay lapag ng dalawang PT sa harap ko. Ano bang malay ko sa PT na yan?

"ano bang malay ko sa babae mo kung buntis? magpapakasaya kayo sa kama tapos aabalahain mo ako ngayong naka shoot ka- OUCH!" kung maka batok!

"tarantado! kay Elaine to!" nagulat ako. Paano niya nalaman ang tungkol sa mag-ina niya?

"oh tulala ka? please Adrian nakikiusap ako. Kailangan ako ng mag-ina ko nasaan siya?" ngayong alam na ni Aiden ang tungkol sa pagbubuntis ni Elaine tapos na ang papel ko sa buhay niya. Mahal ko si Elaine pero tanggap ko ng si Aiden ang mahal niya. Masaya ako kung nakikita kong masaya siya

"search mo sa Google- ARAWOUCH! nakakadalawa kana ah!" reklamo ko

"sabihin mo nalang kasi"

"eh pano kung ayaw ko?"

"sisirain ko lahat ng gamit mo dito" banta niya

"ikaw na tong nangungulit ikaw pa tong maninira ng gamit ah"

"sasabihin mo or sisirain ko itong tv mo?"

"sirain mo ah" kala mo matatakot moko jan

"ipagkakalat kong naka tae ka sa short mo noon bata pa tayo" nanlaki ang mata ko

"sisimulan ko sa secretary mo" lalabas na sana siya nang pigilan ko

"oo na! sasabihin ko na!" nakakahiya tong gagong to

"sasabihin din pala eh pinatagal pa" ngiting sabi niya

"tara na" masyadong excited

"marami pa akong aasikasuhin" sabi ko

"edi hatid moko dun tapos uwi kana" magagawa ko pa? naiintindihan ko naman siya. 6 months pregnant na si Elaine nang hindi niya pa nakikita

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon