Elaine's POV
"Mamma!" Biglang rinig kong sambit ni Jaiden. Hinahayaan ko kasi siyang maglaro habang ako lutang ang isip
"Ano anak? Sabihin mo ulit." Naiiyak kong tanong sa anak ko.
"Dadda!" Muling sambit niya tsaka tumawa
"Haha! Matutuwa daddy mo niyan" tuwang sabi ko
"Sabihin mo ulit anak, mama"
"Dada"
"Anak, puro dada eh. Nagseselos si mama. Sabihin mo, mama"
"Dada"
"Ney, mama"
"Dada"
"Mama"
"Dada"
"Anak, mama naman ah"
"Dada" sabi niya tsaka ulit tumawa.
"Anak jijojoke mo sa mama ha? Oh sige, dada"
"Mama" nah? Pitong buwan ganyan na siya? Jusme
Napatingin ako sa orasan ko. 6:23 pm na pala. Malapit na uuwi si daddy.
"Elaine?" Biglang sulpot ni Tia sa pinto na para bang pinagsakluban ng langit at lupa
"Oh, anong problema?" Tanong ko
"B-bessy. H-huwag ka sanang mabibigla sa ipapakita ko ha? Maging ako, diko akalain na magagawa niya to" sabi ni Tia sabay bigay sa akin ng cellphone niya.
"Ano to?" Tanong ko
"Play mo" sabi niya. Pinanood ko ang nasa video
Habang pinapanood ito, nag uunahan sa pagtulo ng mga luha ko kasabay ng sakit at kirot sa puso ko.
"Aiden bilisan mo pa, ughh!" Ungol ni Alice sa video
"Hinde!!!" Hagulgol kong iyak. Agad naman akong niyakap ni Tia
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...