Aiden's POV"Ano bang problema mo?! katulong mo lang naman yun ah! katulong mo lang yun, bakit mo ba pinpoprotektahan yung mararamdaman niya?!" sigaw sakin ni Alice.
"ilang beses ko ba kailangang sabihin sayo?! hindi ko siya katulong at mas lalong hindi siya iba sakin. Umuwi kana, tigilan mo yang kahibangan mo" heto kami nag-aaway.
Tagal-tagal ng wala kaming relasyon tapos heto siya magbabalik? ano bang pakialam ko sa kanya? simula't sapul diko yan minahal. Tapos kung makaasta akala mo niligawan ko?!
"Aiden, alam mo namang mahal kita eh. Sino ba siya sayo ba't ganyan ka sakin?" umiiyak niyang tanong
"Umalis kana!" tanging sagot ko tsaka dali-daling lumabas upang puntahan sana si Elaine nang makita kong walang tao sa kusina
"Elaine?" tawag ko sa kanya pero walang sumasagot
Nagtungo akong kwarto niya pero walang tao doon. Pati sa likod ng bahay wala din tao. Nag-aalala na ako, saan kaya yun pumunta. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko tsaka siya tinawagan pero hindi makontak kaya mabilis kong kinuha ang susi sa drawer at nagdrive kung saan.
Diko mapapatawad sarili ko kung may nangyari sa kanyang masama. Nagtungo ako ng park sakaling makita ko siya doon pero wala kaya kahit malayo yung bahay niya nagdrive ako papunta dun.
"Elaine?" tawag ko sa kanya pero walang sumasagot
"Elaine?!" pag-uulit ko tsaka lumapit sa pinto nang makitang nakakandado ito.
Saan na Kaya yun? muli ko siyang tinawagan pero di parin makontak. Tinawagan ko secretary ko pero wala din siya doon. Bakit siya umalis?
Umuwi ako nang bahay nagbabakasakaling umuwi na siya pero 4:31 pm na wala paring Elaine na umuuwi. Napaupo ako tsaka napahaplos sa mukha. Ano bang ginawa ko? nagselos ba siya? may gusto ba siya sakin? bakit epektado siya sa pagdating ni Alice?
Muli kong tinawagan si Elaine at sa wakas sinagot niya.
"Elaine? nasaan ka-" napatigil ako dahil pamilyar na boses ang sumagot. Agad din nag-init ang ulo ko.
"Tulog siya eh, bukas na kami uuwi diyan sa bahay mo" singit niya sa sasabihin ko
"Nasaan kayo?! susunduin ko siya!" pagalit kong tanong
"para saan tol? para ipamuka mo ulit sa kanyang sex slave mo lang siya?-" Adrian
"Wala kang alam!" bulyaw ko. Bakit sila magkasama?!
"Tama na yung nakita ko Aiden. Bukas mo na siya susunduin" sabi niya
"Tangina! nasaan kayo?! susunduin ko siya! ako ang kasama niya at hindi ikaw!" sabi ko
"kalma, wala akong ginawang masama sa kanya"
"Siguraduhin mo lang Adrian kung ayaw mong magkakalimutan tayo!" banta ko
"paano ko siya gagawan ng masama na alam kong alam mo na may gusto ako sa kanya" sabi niya. Sumikip ang dibdib ko at mas lalong nagalit
"asan kayo sabi!" sigaw ko
"Mukang dika naman mapipigilan kaya sige, dito ako sa bahay ko. Puntahan mo siya dito" sabi niya.
Agad kong binaba ang cellphone tsaka nagdrive papuntang bagong bahay ni Adrian. Agad akong bumaba ng sasakyan tsaka agad pumasok sa bahay niya. Nadatnan ko naman si Adrian na nanonood sa sala habang umiinom ng beer.
"nasan siya?!" matigas kong tanong
"Nasa kwarto ko" sagot niya. Agad ko siyang nilapitan tsaka kwinelyohan
"anong ginawa mo sa kanya?!" tanong ko
"huwag kang mag-alala. Ni hipuan o silipan siya diko ginawa" sabi niya. Pabagsak kong binitawan ang damit niya tsaka mabilis pumuntang kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto, agad akong kumalma dahil kay Elaine. Mahimbing siyang natutulog sa kama.
Mabilis akong lumapit sa kanya tsaka dahan-dahan na hinalikan sa noo. Nag-alala ako sayo alam mo ba yun?
"Elaine?" marahan at malambing kong gising sa kanya
"gising na, uuwi na tayo" sabi ko pero di parin siya gumigising
"Elaine.." muli ko siyang hinaplos sa ulo. Nawala na agad ang galit ko dahil sa kanya.
"Elaine si Aiden to, uuwi na tayo" sabi ko nang dumilat siya. Dahan-dahan siyang bumangon tsaka bumaba sa kama at isinuot ang tsinelas niya.
"Tara na" sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Nasaktan ako, bakit ba ang lamig niya makipag usap sakin?
lalabas na sana siya ng pinto nang mabilis ko siyang hilain tsaka niyakap.
"galit kaba sakin? bakit ganyan moko kausapin?" malungkot kong tanong
"hindi ah. Tara na uwi na tayo" ngiti niyang sambit at tsaka bumitaw ng yakap pero mabilis ko siyang binuhat ng parang pang kasal
"teka anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Wag na maingay" sabi ko tsaka naglakad.
"Adrian, uwi na kami ha? salamat. Babalik ako dito!" sabi ni Elaine na nakangiti nang lagpasan namin si Adrian sa sala
"Sige ba" ngiting tagumpay ang putik!
"Anong babalik? dika na babalik dito." sabi ko tsaka siya pinaupo at umuwi.
Buong byahe siyang tahimik nang mapansin kong tulog na ulit siya
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...