Chapter 38

8.8K 131 3
                                    

              Adrian's POV

"Paabot naman ako nun" utos ni Tia pero diko pinapansin.

Sarap lang kasing asarin, lalo siyang gumaganda. Napaka amo ng mukha pero suplada pala.

"paabot po ng remote" inis na sabi niya. Karga niya kasi si baby dahil wala yung mag-asawa. Sila na daw mag gogrocery para sa kakailanganin ni baby. Sus! Magdedate lang sila eh

"Abutin mo" sabi ko sabay talikod sa kanya at kunwaring may kinukulikot sa cellphone ko.

"Tamad!" Bulong niya tsaka naglakad papuntang remote

"Akin na si baby, magluto ka dun" utos ko. Hahaha, sasabog na yan mayamaya. Nagtitiis lang yan dahil halos kakatulog lang ni baby. Ayaw tumahan kanina eh

"Ano ako? Katulong mo? Magluto ka ng kakainin mo!" Mahina pero inis niyang sagot

"Ikaw na, tatamad ako eh" palusot ko. Di naman ako tinatamad, ang sarap niya kasi magluto kaya ayun.

His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon