Elaine's POV"Morning.." nagising ako dahil sa humahalik sa mukha ko habang ang isang palad niya ay nakapatong sa puson ko.
"Wala ka bang pasok?" Tanong ko. Walang namamagitan sa amin pero ewan kung bakit ganito siya ka sweet sakin. Ewan ko din kung bakit, gustong-gusto ko.
"Meron" sagot niya.
"Late kana" sabi ko sabay tingin sa ibang direksyon. Ang lapit masyado ng mukha niya sa mukha ko eh. Naiilang ako
"Paghanda moko ng damit tas pagkain sa baba" ngiting utos niya.
"S-sige" dahan-dahan akong bumangon pero hinila ako pabalik tsaka hinalikan sa labi. Nakapikit na lang ako.
"Huwag mong papansinin si Adrian sa baba. Maliligo lang ako" sabi niya tsaka bumangon at nagtungo ng cr. Sandali siyang tumingin sakin tsaka kumindat at ngumiti ng matamis. Ang pula talaga ng labi niya tapos maputi at maganda pa ang mga ngipin niya. Ang gwapo niya kahit wala pang ligo.
Lumapit ako sa isang pinto, papasok sa silid kung saan ang closet niya. Malalaking cabinet at ang dami niyang damit. Ewan ko kung ano ang susuotin niya dito. Kumuha na lang ako ng tatlong pares tsaka lumapit sa may pinto ng bathroom.
"Aiden, may hinanda akong tatlong pares dito. Ewan ko kung anong gusto mo kaya mamili kana lang. Yung mapagpipilian mo iwan mo na lang dito tsaka ko aayusin pagkatapos kong magluto sa baba" sabi ko.
"Okay" sagot niya. Maayos kong inilatag ang tatlong pares ng damit niya tsaka pupuntang kwarto ko upang mag toothbrush at magbihis sana dahil sa suot ko ng bigla akong yakapin mula sa likod ni Adrian.
Dahil sa nipis ng damit ko ay ramdam ko ang alaga niya sa likod ko. Hinalikan ako sa leeg tsaka hinawakan ang dibdib ko. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya at lumayo sa kanya
"N-nag mamadali kasi ako. P-pasensiya kana" sabi ko tsaka mabilis na pumasok sa kwarto ko tsaka nilock.
Mabilis akong nag toothbrush tsaka nagpalit ng damit. Mamaya na ako maligo kasi late na si Aiden baka pagalitan ako.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad akong nagtungo sa kusina at nagluto. Problema ko, itlog, pancit canton, at bacon lang ang alam kong lutuin. Hindi naman kasi kami ganon kayamanan para magluto ng ganon ka bongga. Ulam nga lang namin nila mama at papa noon eh tuyo tsaka itlog tapos sinangag. Minsan pritong talong tsaka okra. Ang sarap lang balikan mga panahong meron pa sila mama at papa. Simpleng pamumuhay basta masaya.
"Anong niluluto mo?" Biglang tanong ni Adrian tsaka tumabi sakin.
"Ahm... Adrian, marunong kaba magluto?" Tanong ko. Nakakahiya sa amo ko pero magpapaturo sana ako
"Oo naman, bakit magpapaturo ka?" Ngiting sabi niya
"Hehe. Ahmm oo sana" sabi ko. Tumawa siya. Ang gwapo din ng isang to
BINABASA MO ANG
His Slave (BaFat#2) *book l* COMPLETED
RomanceIsa akong mahirap na dalaga, mag-isang namumuhay dahil maagang naulila. Dahil sa hirap ng buhay, nagdesisyon akong maghanap nang trabaho upang matustusan ang aking sariling pangangailangan. Ngunit ang aking trabaho ay hindi kagaya ng katulong...kat...