Chapter 22

781 30 8
                                    




Continuation...
Rheia's POV....

4:40pm...

Nagising kami ni Alex Miguel, at pababa na ang araw.

Kaya hindi na medyo mainit.
Nag decide na kami ni Alex na magswimming.

Sinuot ko ang two piece ko na color yellow. At siya naman ay naka beach short lang.

Pinatungan muna ako ni A.M nang balabal. Para daw kasi hindi makita ng ibang boys ang katawan ko.

Baliw talaga ehh..

Nang makarating na kami sa dagat.

Tinanggal ko na ang balabal na ipinulupot ni Alex sa katawan ko. Atsaka nagbabad na kami sa tubig..

Warm ang temperature ng tubig, at masarap magbabad hanggang gabi.

Habang nakababad sa dagat na ito.

Nag usap kami ni Alex..

"Are you happy and feel comfortable this day?" He asked me..

"Im very happy, thankful and feel comfortable this day, especially when you are with me!" Sabi ko sa kanya.

Niyakap naman niya ako.

"Ayoko nang umuwi sa Manila, I want to stay here, with you!" Sabi niya.

Ngumiti naman kami sa isa't-isa.

Ako rin ayaw ko nang umuwi, kung pwede lang na  dito kami tumira eh.

Sa loob ng 2 oras na pag eenjoy namin dito sa dagat, kung ano ano ang ginawa namin.

Nagpaunahan kaming lumangoy, nagpatagalan sumisid, pumupunta kami sa malalim na part ng dagat na ito, at kumukuha kami ng shells.

At sobrang na-enjoy ko talaga ang araw na ito.

6:00 pm...
Nang matapos kaming magbabad sa dagat.

Bumili kami ni Alex ng kanin, barbeque, Hotdog at chicken na pwedeng ihawin at paper plate, disposable spoon and fork, at drinking water.
Yung kanin naman may available na sila na cooked rice.

No problem kami sa baso, dahil may dala naman kaming water bottle namin.

Nagpa-apoy naman si Alex gamit ang mga bungang kahoy na nakuha namin sa gilid gilid.

Napapaligiran din kami ng mga puno dito kaya madali kaming makakakuha ng mga panggatong.

Nang makagawa na ng apoy si Alex, nagsimula na kaming mag ihaw ng mga kakainin namin.

.
.
.
.

Pagkatapos namin mag ihaw ni A.M, kumain na kami.

"Ang sarap ng barbeque nila nohh, siguro matagal nila tong minarinade." Sabi ko habang nginunguya ang barbeque.

"Hmm.. siguro, by the way, bukas ng 7:00pm, darating yung bangka dito para sunduin tayo." He said..

Nag nod naman ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain.
Nag tooth brush muna ako, bago mahiga sa kama.

At ganoon rin ang ginawa ni A.M.
Pagkatapos kong mag tooth brush, nahiga na ako sa kama, para magpahinga at makatulog.
Pero ayaw pa rin ng isip ko na matulog.
Kaya kinalikot ko muna ang cellphone ko.


Naramdaman ko naman na tumabi na sa akin si Alex. At naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.

"Rheia, I love you!"bulong niya sakin.

Summer Move On.... (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon