May 25...
Sunday...Narrator: 6 weeks na silang nasa Sabtang, sa June 5 pa ang flight ni Rheia pabalik sa U.S.
Alex Miguel's POV...
Nandito pa rin kami ngayon sa Sabtang.
Kakatapos lang kasi ng misa dito sa tapat ng bahay ni tatang Farancisco. At nagkaroon ng konting salo-salo dito.
"Maraming salamat po pala sa binigay niyong sapatos at damit pati na rin po yung bola na pang basketball sa akin kuya Miguel!" sabi sa akin ni Janjan.
umupo namam ako para mapantayan ko siya.
"Okay lang yun! Basta ah, wag mong kakalimutan yung tinuro ko sayo." sabi ko sa kanya.
nginitian niya naman ako at tumango siya.
"Salamat po" he said at tinawag siya nang nanay niya na si Aling Marivic.
kinawayan ko naman sila.
"Mukhang napapalapit na rin ang loob mo sa mga kabataan dito ah."
paglingon ko, i saw my life.
inakbayan ko naman siya.
"Syempre, ang sarap lang talagang tumulong sa mga katulad niyang may pangarap sa buhay." sabi ko kay Rheia.
"Kaya nga eh" she said.
After naming kumain. Bumalik na kami sa kubo na tinutuluyan namin.
Pero pagbalik namin....
"Nandito na pala sila kuya!" narinig kong sabi ni Amara.
nakita kasi namin sila.
with....
"Miguel, saan kayo nanggaling?" dad said to me.
nandito rin si Mommy, Aunt Georgina, Uncle Alexis at sila Harry, Amara, Mary Hara (anak ni Harry at Amara), Trey, Theana at si Theo Rey (anak nila Trey at Theana.)
kasama rin nila mommy yung kaibigan nilang doctor.
si Doktora Margarette at Doktor Dennis.
"Bakit po kayo nandito?" tanong ko sa kanila.
napansin ko naman na nakipag beso-beso si Rheia sa parents niya.
"Kuya, nandito rin kami para tumulong. Nagdala kami ng mga gamot at yung mga kasamahan kong medical teams. Para naman ma-check up namin sila dito diba?" Amara said.
kung sabagay.
Wala naman kaming alam ni Rheia tungkol sa Medicine.
"Okay mabuti kung ganon, pwede kong mabuhat si Mary Hara?" sabi ko kay Amara.
tumango naman siya at pinabuhat sakin si Baby Mary Hara.
BINABASA MO ANG
Summer Move On.... (COMPLETED!)
Teen FictionPast.... Yung sobrang saya niyo! Ang Sweet niyo sa isat isa! Ang caring niyo... At higit sa lahat....... Mahal niyo ang isat isa... Ngunit sa isang iglap lang. Nawala ang lahat ng iyon. Kakayanin kayang mabuo ulit ang pag-ibig na nabuo noon? WARNING...