Chapter 25

624 28 0
                                    




Alex Miguel's POV....



Tuesday 8:20 am..

Maaga akong nagising dahil ginising ako ni Manang Delia, isa sa mga katulong nila Rheia dito sa mansyon.

Paano ba naman kasi nandito daw si Amara, Trey, Harry at yung girlfriend ni Trey na si Theana ba yun .

Malay ko ba kung bakit nandito sila.



Pagkatapos kong maghilamos ngayon, nagbihis muna ako at bumaba.
At nasilayan ko sa kusina ang mga kaibigan ko at pati na rin si Rheia.

napansin ko naman na napatingin silang lahat sakin.


"Kamusta tulog mo pre. mukhang enjoy na enjoy ka ah!" bungad ni Harry.


kahit kailan talaga ang libog neto.

lumapit ako sa kanya at binatukan ko siya.
"Panira ka ng umaga Bro. Ang libog mo talaga"



kumamot naman siya ng ulo niya.


Bigla namang nagsalita si Trey.
"Teka, teka nga lang para naman kayong mga aso at pusa. Pwede bang pakinggan niyo muna si Theana."


lahat kami ay napatingin kay Trey at Theana.

"Ganito kasi yun guys, ahh napag usapan kasi namin ni Trey na ayun nga magbakasyon sa probinsya namin sa Bicol, so I requested to him na isama kayo para naman diba masaya kapag marami." Theana explained.


napansin kong napangiti si Rheia at ayun pumalakpak si Amara na parang bata si Harry naman nagtatatalon sa tuwa habang hinahampas ng towel si Trey.


"Aray ko pre, ang sakit gag*!" reklamo ni Trey.

Sumingit naman ako.
"Teka eh kailan naman yan?" I ask.



"Bukas na!" masiglang sabi ni Trey.



What?

Agad agad?



"Bukas agad? Ano ba yan kuya Trey hindi pa ako nakakapag prepare ng dadalhin eh.'' sabi ni Amara.


"Hmm.. basta ako game ako diyan." Rheia said.



Wow ahhh After Zambales, Bicol naman?


Travel Goals talaga tong Asawa ko ehh😉.


"Oh ayan ahh game daw si Rheia, ikaw ba Fafa Miguel?" tanong sakin nila Trey at Harry.

"Malamang, ayoko naman na iwan yan noh, mamaya ireto niyo pa sa ibang gag* yan eh" sabi ko.


nag ayieeee naman sila.



Psh.. mga isip bata.
pero aaminin ko kinikilig ako, syempre mahal na mahal ko yan si Rheia eh.


"Oh wala nang problema so ano? Ready ba kayo bukas?" Trey said.



nag oo naman kaming lahat.


"Wait eh anong sasakyan natin? Amara said.


"Sa private plane namin, Don't worry ako bahala sa inyo, nakausap ko na rin si Mom tungkol dito and ayun binigay niya satin yung isang private plane namin na malaki then doon daw tayo manunuluyan sa rest house namin." Trey explained.

okay wala naman na pala kaming dapat problemahin eh.




"And isa pa pinaalam na namin kayo kila tita and tito. By the way sasama rin pala si Ate Tricia, kuya Trick at yung iba pa nilang kaibigan. "😁 pahabol na sabi ni Trey.


Summer Move On.... (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon