Alex Miguel's POV...
Si Rheia pala yung sinasabi ni Manang.
Nang nagkatinginan kami.
Napansin kong nanlaki rin ang mga mata niya.
Ang ganda niya sh*t!
Lalo siyang pumuti at gumanda.
"Diba magkakilala kayo?" Sabi samin ni Manang.
tinignan ko naman si Manang at tumango ako.
"Kamusta ka na?" she asked me.
ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.
Kinakabahan ako, baka kasi galit pa siya.
"Ah, e-eto okay lang, ikaw? Bigtime ka na ah." sabi ko sa kanya.
napangiti naman siya.
"Eto okay lang rin, wala naman kasi akong gagawin sa napakalaking pera ko eh, ayaw ko naman itong sayangin sa mga walang kwentang bagay." sabi niya sakin.
Napako ang mga tingin ko sa labi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kanya.
"Ikaw, ano nang pinagkakaabalahan mo?" she asked me.
napalunok naman ako.
"Electrical engineer na ako, at hawak ko yung isang company nila Mommy dito sa Pilipinas." sabi ko sa kanya.tumango tango naman siya.
"Oh i see!" sabi niya sakin."Tara kumain na muna kayo, alam kong parehas kayong napagod sa biyahe." sabi naman ni Manang sa amin.
umupo na kami ni Rheia. Magkatapat kami ngayon.
Hawak-hawak ko lang ang cellphone ko. At hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.
napansin ko naman na may lumapit na babae sa kanya.
"Maris, pakisabi kay Iza i-cancel nalang yung reservation doon sa hotel, dito nalang ako manunuluyan muna." narinig kong sabi ni Rheia.
"Ah sige po, noted po Maam!" sabi nung babae.
Napaiwas naman ako ng tingin.
"Ano nga palang ginagawa mo dito sa Batanes?" narinig kong tanong niya.
kaya naman tinignan ko siya.
"Ahm, magbabakasyon lang, sobrang dami na rin kasi ng trabaho ko, kaya naisipan ko munang magpalamig." sabi ko sa kanya.
"Hmm... parehas pala tayo, ako rin medyo stress sa work." she said.
Parehas tayo kasi nga bagay tayo!
"Rheia! M-may boyfriend ka na?" tanong ko sa kanya.
hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko natanong sa kanya ang mga ganung bagay.
Pero sana wala pa siyang karelasyon ngayon.
Umaasa kasi ako sa sinabi ni Harry sakin na kapag nagkita ulit kami ni Rheia, that's the sign na kami talaga hanggang dulo.
napansin ko naman na napatingin siya sa kanan niya.
"Naghihintay pa ng tamang tao!" sagot niya sakin.
BINABASA MO ANG
Summer Move On.... (COMPLETED!)
Teen FictionPast.... Yung sobrang saya niyo! Ang Sweet niyo sa isat isa! Ang caring niyo... At higit sa lahat....... Mahal niyo ang isat isa... Ngunit sa isang iglap lang. Nawala ang lahat ng iyon. Kakayanin kayang mabuo ulit ang pag-ibig na nabuo noon? WARNING...