Rheia's POV...
Nandito na kami sa White Beach.
Ang ganda pala talaga dito.
At may new friend nanaman ako.
And her name is Amara.
heheheh ang kulit niya nga eh.Pero may something sa isip ko na naalala ko siya.
At yung kuya niya na si Alex Miguel ba yun?
Feeling ko matagal na kaming magkakilala eh.
Pero hindi ko talaga maalala.
Habang kasama ko si Amara na naglalakad dito. Bigla namang tumunog yung cellphone ko.
Coby's Calling...
Oh si Coby pala!
sinagot ko naman iyon.
(Coby) "Rheia"
(Hello Rheia!)
"Hey Coby, bakit bigla kang napatawag?"
(Ah, namiss lang kita, anyway nandyan na ba kayo sa Philippines?)
"Yes, ang ganda nga dito eh. Anyway kayo? Saan kayo pupunta?"
(Oh sa Singapore, anyway aalis na kami, Mag iingat kayo dyan nila tita Georgina ah, Love you)
Agad niya namang pinutol yung tawag.
"Sino yun?" tanong sakin ni Amara.
nginitian ko siya.
"Ahh Si Coby yun, classmate ko sa Harvard, nililigawan ako nun eh." sagot ko kay Amara.
napansin ko naman na nalungkot yung mukha niya.
"Bakit bigla kang nalungkot?" tanong ko sa kanya.
umiling siya.
"Wala naalala ko lang yung boyfriend ko, si Harry. I missed him so much." sabi niya sa akin.Oh may boyfriend pala siya.
Sabagay, maganda naman kasi siya eh.
"Tara, bili tayo ng mango shake dun." she said.
then hinawakan niya yung kamay ko at nagtungo kami sa bilihan ng mango shake.
Naisip ko, paano kaya kung hindi ko nalang nakalimutan ang lahat? Ano na kayang nangyari sakin ngayon?
Habang iniinom namin ni Amara.yung mango shake na binili namin.
Napansin ko naman si Alex Miguel na nakatingin samin. Naka beach short lang siya at walang pang itaas na suot. Kaya nakita ko yung 6 pack abs niya.
"Hey kuya, come here!" tawag ni Amara sa kanya.
Ewan ko pero napaiwas ako ng tingin.
Lumapit naman siya sa amin.
"Hindi niyo manlang ako niyaya." sabi ni Alex Miguel."San ka ba kasi nagpunta?" Amara said.
"Sa kwarto, eto nagpalit ng short." sabi ni Alex Miguel.
tinawag niya naman yung waiter at umorder siya.
"Ahm... Rheia, diba may nanliligaw na sayo?" tanong sakin ni Amara.
Nang tignan ko si Alex Miguel nakatingin siya sa akin at mukhang nalungkot siya.
tumango naman ako kay Amara.
"Hahaha sana all noh kuya?" sabi ni Amara kay Alex Miguel.
"A-ah o-oo." sagot ni Alex Miguel.
hindi ko naman maintindihan yung reaksiyon ngayon ni Alex Miguel.
Nang makarating na yung order ni Alex Miguel ininom niya agad yun.
"Kuya, Rheia, sasagutin ko lang yung tawag ni Harry ah, iwan ko muna kayo dyan saglit." sabi ni Amara, tumayo naman siya at kinuha yung mango shake niya at lumayo samin.
At ngayon kaming dalawa nalang ni Alex Miguel ang natitira dito.
"Hi Alex Miguel!" sabi ko sa kanya.
tinignan niya naman ako.
Bakit ganun siya makatingin? Parang kakainin niya ako ng buhay.
"Ahm sorry, ganito lang talaga ako." sabi ko sa kanya, sabay inom ko sa mango shake.
"May nanliligaw na pala sayo?" tanong niya sakin.
agad ko namang binitawan yung straw at huminto sa paghigop.
"Oo, classmate ko siya doon sa Harvard. Ang bait niya nga eh." Sabi ko sa kanya habang nakangiti siya.
bumuntong hininga naman siya.
"Oh bakit parang malungkot ka? Ikaw ba nagka girlfriend ka na ba?" tanong ko sa kanya.
tinignan niya naman ako at napaiwas siya ng tingin sakin.
"Yes! nagka girlfriend na ako." sabi niya sakin.
Mukhang masarap namang kausap toh si Alex Miguel eh.
"Ahh, siguro ang swerte ng naging girlfriend mo." sabi ko sa kanya.
"Oo, sobrang swerte niya, pero mas maswerte ako sa kanya." sabi niya sakin.
Ngayon naisipan naman namin na maglakad-lakad dito sa sea side.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.alas cinco na ng hapon.
"Hahahaha, ang kulit niyo palang magkakaibigan eh." sabi ko sa kanya.
nagtawanan naman kami.
Marami na siyang naikuwento tungkol sa kanya, at ako rin marami na rin akong naikuwento tungkol sa sarili ko.
"Siya nga pala, diba sabi mo kanina, pumunta kayo ng Zambales nung girlfriend mo? May nangyari ba?" tanong ko sa kanya.
napatingin naman siya sakin.
"Yun ang hindi ko makakalimutan! Oo may nangyari na samin. At hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng resulta kung may nagbunga ba." sabi niya sakin.Bakit parang meron sa isip ko na may nangyari ding ganon sakin.
Haystttt...
"T-talaga? Edi siya na yung babaeng hindi mo makalimutan?" sabi ko sa kanya.
tumango naman siya.
"Siya na talaga yun." he said while looking at me.Umiwas naman ako ng tingin.
"Ahh ganun ba, Hmm... tara baka hinahanap na tayo nila Mommy at tita Mara." sabi ko sa kanya.
tumayo naman ako pero nagulat ako nang biglang hawakan ni Alex Miguel yung kamay ko.
Nagkatinginan naman kami.
Hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
tumayo na rin siya at hinarap ako.
nanlaki ang nga mata ko nang bigla niya akong yakapin.
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
May past ba sa amin ni Alex Miguel?
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Summer Move On.... (COMPLETED!)
Teen FictionPast.... Yung sobrang saya niyo! Ang Sweet niyo sa isat isa! Ang caring niyo... At higit sa lahat....... Mahal niyo ang isat isa... Ngunit sa isang iglap lang. Nawala ang lahat ng iyon. Kakayanin kayang mabuo ulit ang pag-ibig na nabuo noon? WARNING...