Rheia's POV...
Pagsakay palang namin kanina dito sa airplane. Parang gusto ko nang bumaba ulit at makipag ayos kay Miguel. Pero mas nanaig ang pride ko.
While here in the airplane, tinitignan ko yung mga litrato namin dito sa cellphone ko.
Habang pinagmamasdan ko iyon. Alam ko naman talaga na mahal niya ako.
Pero ang hindi ko lang maintindihan.
Bakit kailangan niya kaming pagsabayin nung babae niya.Ni-hindi niya manlang sinabi sakin na may girlfriend siya.
Ang alam ko lang na naikuwento niya ay yung girlfriend niya noon.
Pero wala naman siyang nabanggit sakin na may girlfriend pala ulit siya.
At pinagsabay pa talaga kami.
Bibigyan ko pa sana siya ng chance na makapag explain, pero nadala na talaga ako ng emosyon ko.
Ang dami talagang nasayang.
hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako sa balikat ni mommy.
@U.S
Paglapag ng eroplano namin dito, agad kaming sinundo ng mga butler nila Mommy.
Sa wakas nakauwi na rin.
Pinapangako ko sa sarili ko na dito ko tutuparin ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at maging isang engineer. At dito ko rin hahanapin ang sarili ko.
Habang nasa Van. Binuksan ko yung phone ko.
Ang dami niyang missed calls at messages dito.
pero hindi ko nalang iyon inopen.
Tinanggal ko yung sim card ko at inilagay sa bag.
Itatapon ko nalang ito mamaya.
Pagkauwi dito sa mansyon. Pinaayos ko nalang kila yaya yung mga gamit ko. Gusto ko kasing makapagpahinga na, dahil sobrang napagod ako sa biyahe.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Kinabukasan...
Back to school nanaman.
Nang makapasok ako. Binati agad ako ng mga classmates namin.
"Goodmorning Rheia! Kamusta ka naman? How was your vacation in the the Philippines?" sabi sakin ni Chassy.
nginitian ko naman siya.
"Ayun masaya naman, okay naman" sagot ko sa kanya.
"Hmm... kami naman pumunta kami sa south korea." Sabi naman ni Chassy.
"Mabuti kung ganon, nakapagbakasyon ka rin." sabi ko.
napansin ko naman na biglang kumunot yung noo niya.
"eh kayo ni Coby? kamusta naman kayo" Chassy asked.
naalala ko naman yung sa amin ni Coby. Pinatigil ko na siya, dahil nga pinaglaban ko yung pagmamahal ko kay Miguel, pero niloko lang pala ako.
BINABASA MO ANG
Summer Move On.... (COMPLETED!)
Teen FictionPast.... Yung sobrang saya niyo! Ang Sweet niyo sa isat isa! Ang caring niyo... At higit sa lahat....... Mahal niyo ang isat isa... Ngunit sa isang iglap lang. Nawala ang lahat ng iyon. Kakayanin kayang mabuo ulit ang pag-ibig na nabuo noon? WARNING...