Rheia's POV...
"Wifey!" narinig kong sigaw ng asawa ko.
agad naman akong nagtungo kung nasaan siya, Pagdating ko sa kwarto namin, i saw him with my son.
"Surprise!" they said.
Sobrang natuwa naman ako sa ginawa nila.
May ginawa silang parang letterings na may nakalagay na Happy 5th Anniversary Mommy and Daddy.
At may dala dalang cake si Miguel. Habang si Alexander naman ay may hawak na papel.lumapit naman ako sa kanila.
"Kayo talaga!" sabi ko sa kanilang dalawa.
lumapit naman sa akin si Miguel at hinalikan ako sa noo.
"Happy Anniversary Wifey!" he said.
ngintian ko naman siya.
"Happy Anniversary rin Husbie ko!" sabi ko sa kanya.
"May ibibigay sayo yung anak natin." sabi sa akin ni Miguel.
"Mommy, Happy 5th Anniversary po sa inyo ni Daddy, more anniversaries to come pa po! I have something to give you mommy!" Alexander said, binigay niya naman sakin yung papel
na hawak hawak niya."Ohhh so sweet! Thank you so much anak!" sabi ko kay Alexander at kiniss ko siya sa cheeks.
binuksan ko naman yung papel na binigay sa akin ng anak ko.
lumapit naman sa akin si Miguel at sabay naming binasa yung papel na binigay ni Alexander.
Happy 5th Anniversary po Mommy and Daddy! Sana po after ng Birthday ko magkaroon na po sana ako ng kapatid.
Thank you so much po sa lahat Mommy!
You and Daddy are the best parent ever!
Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Alexander sakin. Napansin ko rin na natawa ng mahina si Miguel.
Alam ko na nasa isip niyan.
"Thank you so much anak! Hayaan mo, bibigyan rin tayo ni God ng time para magkaroon ka na ng kapatid." sabi ko kay Alexander.
niyakap niya naman ako.
"Yey! ipagdadasal ko po yan kay Papa God! I love you Mommy and Daddy!" Sabi ng anak ko.
Niyakap naman namin siya ni Miguel.
"I love you too Anak!" sabay naming sabi ni Miguel.
Wala na akong hihilingin pa sa diyos.
Dahil sobrang swerte ko na ngayon, dahil binigyan niya ako ng pamilya.
Kung ano man ang ibigay sa akin ni God sa susunod pa na araw, tatanggapin ko iyon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Nandito kami ngayon sa restaurant ni Aunt Georgia. At sinabi sa akin ni Aunt Georgia na nandito daw ang dating anak-anakan namin ni Alex Miguel noon. Si Shaline at Daniel daw.
"Ate Rheia?" sabi sa akin nung dalagang babae dito, sa pagkakaalam ko, siya yung anak-anakan namin dati ni Miguel.
Hindi kasi sila naka attend ng kasal namin ni Alex Miguel, dahil pre-finals sila sa school, so ayun si Aunt Georgia nalang ang naka attend, but wala siyang ipinakitang pictures nila Shaline at Daniel sa akin. Sinabi lang ni Aunt Georgia na dalaga at binata na sila.
BINABASA MO ANG
Summer Move On.... (COMPLETED!)
Teen FictionPast.... Yung sobrang saya niyo! Ang Sweet niyo sa isat isa! Ang caring niyo... At higit sa lahat....... Mahal niyo ang isat isa... Ngunit sa isang iglap lang. Nawala ang lahat ng iyon. Kakayanin kayang mabuo ulit ang pag-ibig na nabuo noon? WARNING...