Chapter 23

620 20 1
                                    



Alex Miguel's POV..




Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin.

Nakita ko ang sarili ko na hubo't hubad.
Kaya mas lalo ko pang ipinulupot ang kumot sa katawan ko.

Nakita ko rin si Rheia sa tabi ko na nakatakip rin ng kumot.


Masyado ata siyang napagod sa nangyari sa amin kagabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may nangyari sa aming ganon kagabi.

Akala ko tatanggi siya, ngunit alam ko na ang kiliti niya at ang kahinaan niya.



Atasaka wala akong magawa kagabi kundi ang pagnasaan siya, kaya tuloy nangyare ang mga bagay na iyon, dahil nadala ako sa emosyong naramdaman ko.

Anywayy..



Bumangon ako sa kama at nagsimulang magbihis.

Hindi ko na muna ginising si Rheia, sa halip ay hinayaan ko muna siyang matulog ng mahimbing.

Lumabas ako sa kubo na tinuluyan namin ni Rheia at bumili ako ng makakain namin ngayong umaga.

5:40am.. palang naman.
Kaya kitang kita mo pa na sobrang mahamog sa paligid ng isla na ito.



"Can I buy a canned sardines, 2 rice, 2 pcs. ready to grill hotdog and chicken, 1 pack of Gardenia, hot choco and a milk." Sabi ko sa manang na nagtitinda.

Ayun napansin kong kinuha niya ang mga gusto kong bilhin at inilagay sa isang supot.

"Here, keep the change!" Ani ko sabay abot ng pera.

Siguro naman sobra pa yung pera na yun sa lahat ng pinamili ko.

At bumalik na ako sa kubo.
Gumawa muna ako ng apoy, para maihaw ko ang mga ready to grill foods na binili ko.🍢🍗
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

After kong gawin ang lahat lahat.
Nagtungo ako sa loob ng kubo.
At eksaktong nakita ko si Rheia na gising na at nagce-cellphone.


Nilapitan ko naman siya.


"Hi love Goodmorning!" Bati ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at nginitian niya ako.
"Goodmorning rin love, may pagkain na ba tayo? Nagugutom na kasi ako eh." She said.

Sa tono ng pananalita niya halatang gutom na nga siya.
Kaya inaya ko na siyang lumabas at kumain.

Pero bago siya lumabas, she fixed herself muna.


"Ikaw nagprepare neto?" She asked me.

Tumango naman ako sa kanya.
"Syempre, gusto kitang pagsilbihan ngayon eh!" Sabi ko..



Tumawa naman siya.



Well mas lalo siyang gumaganda kapag tumatawa siya.

Katahimikan ang namayani sa amin ngayon.


Pero nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.


"Ahhmm Love, yung nangyari sa atin kagabi. Alam ko naman na parehas nating ginusto yun diba? Pero alam rin natin na mali, basta kung may mag bunga man, Kaya natin tong panindigan." Sabi niya..

Medyo nahinto ako sa pagkain ko.
And then saka ko narealize na gusto niya talaga. At of course pananagutan ko siya kung may magbunga man. Syempre laman at pagod ko rin yun noh.


Summer Move On.... (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon