Synopsis

339K 3.7K 53
                                    

Umalis si Caloy at sumama sa mayaman nitong abuelo para tuparin hindi lang ang kanyang pangarap, kundi pati na rin ang pangarap ng kababatang si Inday. Nangako itong babalikan ang kababata at tutuparin ang pangako sa isa't isa..

Umasa si Inday sa pangako ni Caloy na babalikan ito. Isang pangako na pitong taon nyang hinintay.

_________

Tumawa ng pagak ang lalaki bago hinarap ang dalaga.

"Look Inday, hindi ko na kasalanan kung tanga ka. Mga bata pa tayo noon at hindi ko naman inaasahan na sineryoso mo pala yun mga kahibangan natin dati. Maraming nagbago sa pitong taon at kasama ako sa mga nagbago. Wala na ang kababata mong si Caloy. I'm a better man now, so please tigilan mo na ako." Para syang pinagbagsakan ng langit at lupa nang sabihin ito sa kanya ng binata.

"Ganun ba. Pasensya na po sa senyorito. Wag kang mag alala, hindi hindi kita guguluhin. Best wishes nga pala sa nalalapit mong kasal. Salamat sa dalawang linggong palugit na ibinigay mo at kung wala na po kayong sasabihin ay makaka alis kana."Yun lang at tumalikod na ako bago pa tuluyang malaglag ang aking luha.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon