Chapter 18

141K 2.2K 123
                                    

Chapter 18

Bernard's (Caloy) POV

"Wala akong ginawa Bernard, pinuntahan ko lang sya para kamustahin, believe me I'm not lying."

"Angela ang tinatanong ko lang ay kung anong ginawa mo sa kwarto ni Inday that night, wala akong sinabing nagsisinungaling ka! Why so defensive?" Alam kong hindi ko makukuha sa basta matinong usapan ito. She's a brat.

"I'm not! Pakiramdam ko kasi hindi ka naniniwala sa akin. Can't you see? That drama queen is faking everything para mapansin mo sya ulit! Para bumalik ka ulit sa kanya! And don't forget na pinagtaksilan ka niya so don't you dare accuse me of such!"

"How did you know about that Angela?!" Wala ako ni isang nabanggit dito tungkol sa nakaraan namin ni Inday at ang akala kong pagtataksil nito sa akin.

Halatang nagulat ito sa sinabi ko at naglalaki ang matang nag iwas ng tingin.

"B-Bernard ahm you m-mention it-- Agh! What are you doing nasasaktan ako!" Hinaklit ko ito sa dalawang balikat at isinandal ko ng madiin sa pader. This lying bitch!

"Magsabi ka ng totoo Angela kung ayaw mong makalimutan kong babae ka."

"B-But I'm telling y-you- Aghh!" Mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak ko dito.

"Huwag mo akong subukan Angela. Now talk!" Sigaw ko dito na lalong ikinalaki ng mga mata nito. Bakas na rin ang namumuong luha sa mga mata nito.

"B-babe please I'm sorry. It was dad. After Lolo Miguel died at nalaman nyang ikaw ang m-magmamana ng lahat ng naiwan nya, pinasundan na ni Papa lahat ng galaw mo at nalaman nya yun tungkol sa mga taong binayaran mo para mag investigate kay BELINDA Bernales and-"

"And he sabotaged everything and gave me the false information."Pagtatapos ko sa sasabihin nito. Alam kong simula sa umpisa na ipagtulakan nito sa akin si Angela ay ito ang dahilan pero hinayaan ko lang ito dahil alam ko sa sarili ko na walang ibang babaeng papalit kay Inday dito sa puso ko.
Pero hindi ko aakalain na gagawin nitong sirain ang tiwala ko sa babaeng mahal ko.
Magbabayad silang lahat pati na rin ang mga mukhang perang taong imbestigador na iyon!

"But wala akong alam. Believe me, alam ko yung ginawa nya pero ang tangi ko lang alam ay yun pangalan ng babaeng kinabaliwan mo noon until yesterday. I was desperate na baka bumalik ka sa kanya kaya hiningi ko kay papa yun totoong results.. Please babe I'm so sorry." Umiiyak na ito.

"That explains the cigarette. Pinuntahan mo sya para ipaalala lahat ng sakit sa nakaraan nya ganun ba Angela? Wala akong pakialam kung kailan mo nalaman. Like father like daughter, both evil!" Hindi ko maiwasang bumalik sa gunita ko ang itsura ni Inday habang nakasalampak sa sahig at takot na takot.

Akma ako nitong yayakapin pero pinigilan ko ito.
"Pack your things Angela. I want you gone first thing in the morning. Out here in San Antonio and out of my life!"

Huminga ako ng malalim. Hindi ko mapapatawad ang mga taong ginawang impyerno ang buhay ko sa napakahabang panahon.

"At ano? Babalikan mo yun baliw na yun?" Tumawa ito ng mahina. "Sa tingin mo ba mapapatawad ka nya sa lahat ng ginawa mo sa kanya? Think again Bernard." Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko sa pagpipigil na hindi ito saktan.

Umalis ka sa harapan ko bago pa magdilim ang paningin ko Angela." Binitiwan ko ito at humakbang palayo rito. Aamimin kong tinamaan ako sa huling sinabi nito.

Tumalikod ako at tinungo ang pinto.

"One more thing Angela, hindi ko kinabaliwan si Inday. Minahal ko sya at wala akong ibang babaeng mamahalin kundi sya lang." Pabalibag kong isinara ang pinto sa kwarto ko.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon