Chapter II

195K 2.5K 63
                                    

Chapter II

Caloy's POV

"Pangako Inday, babalikan kita." Niyakap ko ito ng mahigpit na lalo nitong ikinahagulgol.

"Iintayin kita Caloy, kahit gaano man katagal basta pangako mo lang sa akin na akin ka lang."

"Pangako. Akoy sayo at ikay akin lamang. Wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang Inday."

Napangiti ako ng mapait sa alaala ng nakaraan. Pitong taon na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang ito nangyari. Babalik ako hindi para tuparin ang mga pangakong iyon. Babalik ako para ipamukha sa kanya na hindi sya kawalan. Na mas maganda ang buhay ko ng hindi sya kasama.

"Sir nandito na po tayo." Napabalik sa kasalukuyan ang aking pag iisip ng magsalita si Ruben. Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng magarbong mansyon sa aking hacienda.

HACIENDA MIRANDA

Ang dating hacienda Agustin.

Pagkamatay ni Lolo five years ago ay binili ko ito para sa taong minahal ko noon. Ngunit hindi ko inaasahan na ang babaeng pinangakuan ko ay sasaktan at lolokohin ako..

Flashback:

"Sir eto na po yun results ng babaeng nagngangalang Belinda Bernales." Iniabot nito sa akin ang isang folder na naglalaman ng impormasyon kay Inday . Kinuha ko sa drawer ng mesa ko ang isang sobre at inabot dito iyon.

"Makakaalis ka na."

"Salamat sir."
**
Umibis ako sa sasakyan ng pagbuksan ako ng driver kong si Ruben.

"Welcome back senyorito Bernard." Yumuko ito at binigyan daan ako.

Yes. I changed my name five years ago.

Wala na si Carlos "caloy" Sandoval, it's Miguel Bernard Miranda III now.

Tumingin ako sa paligid. Ang mansyon na tinatanaw ko lamang dati ay pag ari ko na. Pati na rin ang lupain sa dating pinagsasakahan ng mga taga baryo ay pag aari ko na.

Walang sino man ang may alam na ako ang bagong may ari ng malawak na lupain ng mga Agustin. Kasama ito sa plano ko.
Ang paghigantihan at pasakitan ang taong dumurog ng puso at buong pagkatao ko. Ang babaeng halos sambahin ko noon ay labis kong kinamumuhian ngayon.

"Bernard welcome back." Sinalubong ako ng kaibigan at abogado kong si Antonio Mariano. Ito ang personal na nag aasikaso ng mga bagay na dapat ayusin dito sa hacienda. Anak ito ng dating abogado ni Lolo at isa ito sa mga naging kaibigan ko sa states nun kuhanin ako ni Lolo.

Nauna itong umuwi sa akin dahil sa pag aasikaso ng mga legal matters sa lupang nasasakupan ko.

Nagdiretso ako sa isang maluwag na bulwagan. Ito ang unang pagkakataon kong tumuntong sa loob ng mansyon ko.

"Bernard alam kong pagod ka sa mahabang byahe kaya sa ibang araw ko na lang idi discuss sayo yun tungkol sa lupa sa may bandang kanluran. Medyo may problema kasi." Bigla akong napabaling kay Anton na noon ay mukang paalis na.

Ang tinutukoy nitong lupa sa kanluran ay ang lupang nasasakupan ang bahay ng mga Bernales.

"Let's discuss it today. Sa library, please lead the way."

Tumango lang ito at naglakad na papuntang library. Sumunod ako dito since hindi ko pa alam ang pasikot sikot dito sa mansyon.

**

Kumuha ako ng brandy na nasa ibabaw ng working table sa library at nagsalin sa dalawang baso.

"Anong problema Anton?" Iniabot ko dito ang isang baso bago umupo.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon