Chapter 24

134K 2.2K 22
                                    

Chapter 24

Belinda's (Inday) POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may mainit na kamay na humihimas sa pisngi ko.

Si caloy.

Nakahiga sa tabi ko at walang pang itaas. Mukang bagong paligo din ito dahil amoy ang mabangong sabon pampaligo ginamit nito.

Anung ginagawa nya dito sa guest room? Kanina pa ba ito?
Bigla akong naasiwa dahil malaking T-shirt nya lang ang suot ko at tanging lace brief lang ang suot ko sa ilalim nito. Hindi pa nahahakot dito sa mansyon ang mga gamit ko kaya pinahiram muna ako nito ng ilan nyang T-shirt.

"I'm sorry please go back to sleep." Mahina nitong bulong sa may tainga ko na amoy mint pero may bahid din ng amoy ng alak ang hininga nito. Agad akong kinilabutan sa nakaka kiliting paraan sa iginawi nito.

Nag inom ba ito?

Tumingin ako sa bintana at nakitang madilim na.

"Anung oras na?" Medyo umisod ako ng konti dito.
"It's past nine. " Wika nito na umisod din palapit sa akin.
Nagulat ako sa sinabi nito. Iniisip ko na mga alas syete pa lang ng gabi.
Anim na oras akong nakatulog kung ganun?
Kumain na kaya ito?
"Kumain ka na ba?" Kahit madilim ang silid ay kita ko ang pag iling nito.

"Sana ginising mo ako para nakapag handa sana ako ng hapunan natin."

"I'm not hungry for food wife." Paos ang tinig nitong yumakap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito.

"C-Caloy, nakakainom ka ba?" Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ito nagsalita pero mas lalo ko pang naramdaman ang katawan nitong mas dumikit sa akin ng hapitin ako nito sa bewang.

Sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko ang ganitong bagay sa kanya pero isang haplos lang nito ay alam kong tatangayin ng hangin ang lahat ng sinabi Ko sa sarili ko.

Dahil maging ako ay iyon ang gustong mangyari sa mga oras na ito.

"Tell me wife, what's in your dream that you keep on moaning my name."

"H-hindi ko alam kung anong sinasabi mo caloy." Totoo bang umuungol ako?
Aamimin kong napanaginipan ko na naman na nagtatalik kaming dalawa pero hindi ko inaasahan na isasatinig ko pala iyon habang tulog ako?
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit napapadalas ang ganun klaseng panaginip ko.

______
Bernards(Caloy) POV

"Alam mo ba kung gaano kita gustong angkinin habang natutulog ka?"
Alam kong dala ng brandy kong ininom kanina kung bakit malakas ang loob ko ngayon.

Kaninang pumasok ako dito ay wala akong balak na angkinin ito kundi titigan lamang sya habang natutulog.
Masama ang loob ko sa ginagawa nitong malamig na pag trato sa akin

Pero hindi ko mapigilan ang pagtitimpi ko nang marinig kong umuungol sya sa kanyang pagtulog habang sensual na binabanggit ang pangalan ko.

"Caloy, anung ginagawa mo?"

"Please Inday, sabihin mo kung ayaw mo hindi kita pipilitin." Ramdam kong naalarma ito ng idikit ko ang labi ko na halos kaunti na lamang ang pagitan sa labi niya. Kahit mahal na mahal ko ito at gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal ko ay hindi ko ito pipilitin.

Hindi ito sumagot na naging dahilan para mas lalong lumakas ang aking loob.
Silence means yes.

"I want you wife." At sa isang iglap ay inangkin ko ang labi nito.

Saglit itong natigilan bago gumanti sa mga halik ko.

Naging hudyat iyon sa akin para mas lalong pag butihin ang aking ginagawa.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon