Chapter 29

121K 1.8K 30
                                    

Chapter 29

Angela's POV

"Kasalanan mo lahat ito Angela! Kung hindi dahil dyan sa katangahan mo hindi magpu pull out ng share sa kompanya natin ang bastardong iyon!" Galit na nanlilisik ang matang sigaw sa akin ni papa.
Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko expected na ganun katindi ang galit ni Bernard. I mean, nang dahil lang sa babaeng iyon ay hahayaan nyang mangyari sa pamilya ko ang ganito?
Malaki ang magiging kawalan ng share nito sa kompanya ni papa dahil nasa 30 percent ang share ni lolo Miguel na minana ni Bernard sa kompanya namin. Isama pa na may mga loan si papa sa banko noon na ng dahil sa pagkalulong nito sa casino. Milyon ang ipinatatalo nito linggo linggo noon sa Las Vegas na dahilan kung bakit ito nabaon sa utang.

Mas lalo tuloy tumindi ang nararamdaman kong galit sa Belinda Bernales na iyon.
Kinuha nya ang mga bagay na dapat ay nararapat sa akin.

"Papa I'm sorry, but don't worry everything is under control. Babalik ako sa San Antonio at aayusin ko lahat ito, just trust me." Kahit hindi ko alam kung paano ang gagawin ko tungkol sa share na ini pulled out ni Bernard ay sinabi ko iyon kay papa. Ang naka plano lamang sa akin ay kung paano sila wawasakin at paghihiwalayin.

"Siguraduhin mo lang Angela kung ayaw mong pulutin tayong pare pareho sa kangkungan." Tumalikod na ito at pabalibag na isinara ang pinto ng kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinayal ang número nya.

"H-hello mam Angela?" Pabulong na wika nito. Marahil ay may kasama ito kaya ganun ang pabulong itong magsalita.

"Babalik ako ng San Antonio sa makalawa, puntahan mo ako sa hotel sa bayan at mag report ka."

"Opo mam."
Ang mga hampaslupa talaga, silawin mo lang ng konting barya bumibigay agad. Kagaya ng isang ito.

Matapos kong tapusin ang tawag ay tiningnan ko ang engagement ring na nasa kamay ko pa rin.
Napangiti ako sa sarili habag naglalaro sa utak ko ang magigig reaksyon ng babaeng iyon.

Baka tuluyan ka nang mabaliw Belinda.

________
Aling Nena's POV

"Lala nakita mo ba si joy?"
Hinarap ko si Lala na naglilinis sa living room. Napapansin kong lagi na lang nawawala ang batang iyon at Lagi na lang si Lala ang gumagawa ng mga trabaho dito.

"Naku nay kanina lang po ay nandito tapos biglang nawala na lang." Sumimangot si Lala na mukhang naiinis na rin sa kasamahan. Kahit naman sino siguro ang nasa lugar nito ay hindi mapipigilang mainis sa batang katulong.

Hindi dahil sa mabait ang mag asawa ni caloy at Inday ay dapat na itong abusuhin.

Naglakad ako pabalik sa kusina ng makabangga ko si joy galing sa malamang sa likod bahay.

"Ay anu ba yan.. Pasensya na ho Nanay Nena hindi ko po kayo napansin." Mabilis nitong pinulot ang cellphone na nalaglag dahil sa pagkakabungguan namin.
Napataas ang kilay ko nang napagmasdan ang aparatong iyon.
Nagtataka ako kung saan ito kumuha ng pambili ng ganoong mamahaling cellphone. Kamukha ito ng ginagamit ni na cellphone ni Caloy at pati rin sa ibinigay nito sa asawa kaylan lang.

Ang alam ko ay walang mabibilhan ng ganoong cellphone dito sa San Antonio dahil ang kay Inday na ginagamit ngayon ay inorder pa ni Atty Anton sa maynila at inabot ng isang linggo bago mai deliver dito sa mansyon.

At hindi basta basta ang presyo nito na kayang bilhin ng katulad ni Joy. Magsasaka lang ang mga magulang nito.

Mabilis itong umalis bago ko pa ito makastigo. Hindi naman sana ninakaw ng batang iyon ang cellphone na iyon.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon