Chapter 26

141K 2K 47
                                    


Chapter 26

Belinda's (Inday) POV

"Mrs Miranda please come in" Tumayo ako nang bumukas ang pinto kung saan naghihintay ang OB-gynecologist para I discuss ang resulta ng aking pagbubuntis.
Kaninang dumating kami ay kung anu anong itinanong sa akin ni doc bago ako bigyan ng isang paper cup kung saan kailangan ng sample ng ihi ko.

"Mr Miranda you can also come in." Nakangiting baling ng halos kaidaran din naming nurse.
Ngumiti rin dito si Caloy bago nagpasalamat.
Nakataas ang kilay kong tiningnan ito.
Nakikipag flirt ba sya sa nurse?
Ang haliparot na ito kasama na ako at lahat may gana pang makipaglandian.

Padabog akong naunang naglakad sa nakabukas na pinto at nilagpasan ang malanding nurse. Yun maganda kong mood kanina ay napalitan ng inis.
Naramdaman kong umakbay si Caloy sa akin at sinabayan ako hanggang sa kinaroroonan ng doctor.
Kanina ay sa labas ito naghintay habang ine eksamin ako.

"Pleas have a seat Mrs Miranda." Wika ng baritong tinig. Nanigas ang asawa kong nakaakbay sa akin at naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nito sa akin.
"He's a guy?" Bulong na tanong nito sa akin. Hindi ko ito pinansin na ngumiti ng ubod nang tamis sa doctor.
Payback time mister.
Bata pa rin ang doctor na hindi panghuhuli ang edad sa amin. May itsura din ito at maganda ang pangangatawan.
Nawala ang ngiti ko nang magsalita ang asungot sa tabi ko.

"Im sorry Doc.,pero hindi ako komportableng lalake ang titingin sa asawa ko." Kalmado ito pero halatang nagngangalit ang bagang nito.
Siniko ko ito sa tagiliran.
Nakakahiya ang inaasal ng lalaking ito.
"Naeksamin na ako kanina, ano kaba."

Tumawa ng mahina ang doctor bago magsalita.
"Naiintindihan kita Mr Miranda. Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nasabihan ako ng asawa ng pasyente tungkol sa bagay na iyan." Nakakaintinding wika nito. "Please take a seat, both of you." Inilahad nito ang palad kay Caloy bago nagsalitang muli. "Propesyonal ako Mr Miranda, pero kung hindi ka talaga komportable ay pwede ko syang ipasa sa misis ko na kaparehas kong OB, sa ngayon let me discuss about your wife's pregnancy." Doon lang lumuwag ang kamay nito bago ako alalayang umupo sa harap ng table ng doctor at umupo rin sa katapat kong upuan.

"Pasensya kana sa asawa ko doc. medyo hindi maganda ang gising nyan kanina." Dinaan ko na lang sa biro ang doktor para matabunan ang kahihiyang inasal ng bruho kong asawa.

"It's ok Mrs Miranda."Walang anuman nitong baling sa akin bago nagsimulang magsalita.

"Base sa examination ay 8 weeks or two months ka nang buntis. Healthy naman si baby base tunog ng heartbeat nya.

Bumaling ito kay Caloy na tahimik lang nakikinig.
"Mister Miranda, nasa stage ng morning sickness, cravings, mood swings si misis, I hope mahaba ang pisi mo dahil minsan hindi talaga maintindihan ang ugali ng mga buntis. And most importantly.." Tumingin ito sa akin bago kay Caloy.
Doon parang biglang naging interesado ito habang ako naman ay kinakabahan sa susunod nitong sasabihin.

May problema ba sa anak ko?

"Pregnant women's hormones. Sa madaling salita, sex. Madalas ay nakakaramdam ang isang buntis lalo na sa stage ni misis na makipag sex ng mas malimit." Bigla akong napahiya sa tinatakbo ng usapan. Napansin ko nga na ganun ako, madaling ma arouse. Hindi nga ba at hanggang sa panaginip ko ay ginagawa namin iyon ni Caloy?

Si Caloy naman ay biglang nawala ang irita sa mukha at biglang umaliwalas ang hitsura bago ngumiti ng malapad sa doktor.
"Naiintindihan ko doc." Masiglang wika ng asawa ko. Sinipa ko ito sa paa.

"Walang dapat ikahiya misis. Importante ang sex sa mga nagbubuntis. Nakakawala ng stress at makakatulong din iyan sa paglaki ng bata sa sinapupunan mo." Paliwanang nito.
Paano nakakatulong ang sex sa paglaki ng bata?
Gusto kong sumigaw sa doktor na naintindihan ko na at tumigil na ito sa pagsasalita.
"Doc., may mga posisyon po bang dapat iwasan kapag gagawin iyon?"
Damuho!
Hindi ba sya nahihiya?!
Pinanlakihan ko ng mata si Caloy pero nginitian lang ako nito na parang nababaliw.
Iwanan ko na lang kaya ang dalawang ito para sila na lang ang mag usap.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon