Chapter 10

136K 2.5K 67
                                    

Chapter 10

Angela's POV

"Wala akong pakialam! Anu ba naman yan manang Nena mamayang gabi na ang engagement party namin tapos ngayon sasabihin mong kulang ang katulong dahil nagkasakit kung sino mang iresponsableng yon? Gawan mo ng paraan, ikaw ang mayordoma dito!"
Nagkasakit daw ang isa sa mga katulong at hindi ito makakapag trabaho pansamantala.
Ang aga aga iyon agad ang ibubungad sakin ng matandang ito.
Maraming importanteng bisita ang pupunta mamaya at gusto kong maging perfect ang party na ito. Ayokong mapahiya sa mga kaibigan at magulang ko.
"Gawan mo yan ng paraan manang ikaw ang inaasahan ni Bernard kaya wag mong ipahiya ang amo mo."
Bakit ba kasi mga pipitsugin tao ang kinuha nitong si Bernard, ayan problema na kaagad.
"Opo mam Angela." Nakatungo nitong sagot.

_____
Bernard's (Caloy) POV

Maghapon akong napagod kahapon. Tumulong ako sa ilang mga gagawin para sa engagement party na magaganap mamayang gabi.
May pinuntahan din akong mga importanteng tao para imbitahan ang mga ito ng personal.
Kagaya ni congressman Jimenez.
Kung tutuusin ay maaari ko itong ipaubaya sa mga taong napag atasan dito pero ginawa ko itong distraction para hindi ko sya maisip.
Napabuntong hininga akong napapikit.
But damn it, hindi sya mawala sa sistema ko.
Maging kami ni Angela ay nag away dahil tinanggihan ko uli ito kagabi.
I tried. I swear I tried to touch her pero laging mukha nya ang nakikita ko sa tuwing susubukan kong hawakan si Angela.
Ang mukha nito habang magkaniig kami.
Damn. Kahit sa ganitong naiisip ko lang sya ay ramdam ko ang pag iinit ko at pagsikip ng pantalon ko.
"What have you done to me Inday?" Mahina kong bulong sa sarili ko.
Tumayo ako at nagsalin ng brandy sa baso.
Alam kong sobra pang maaga para sa alcohol pero wala akong ibang kailangan sa ngayon kundi ito.

Lumagok ako ng isa ng makarinig ng mahinang katok sa pinto nitong library.

"Come in."

"Morning. Ang aga naman yata nyan boss?" Si Anton na tiningnan ang wristwatch. "Alas otso, nag almusal ka man lang ba dude?" Parang Tatay lang.

"None of your bussiness. Anung kailangan mo?" Hindi ko ito inaasahan sa ganito kaagang oras.

"Oh, sorry naman. Actually kahapon pa ako pumunta dito pero wala ka daw sabi ni aling Nena. By the way si aling Nena pala ang mayordoma dito? Buti pinayagan ng pamangkin nya, alam ko kasi malaki ang kita ng restaurant ni Allan sa bayan kaya hindi na kailangan ng matandang mag trabaho dito."

Napabuntong hininga ako. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang matanda. Kung bakit ito nagpumilit kay Allan na mag trabaho dito sa mansyon. Ang dahilan nito ay naiinip ito sa bahay at gustong magtrabaho habang malakas pa ito, kaya tinanggap ko na rin.

"Yes, kahapon lang ito nagsimula. Enough with aling Nena, anung sadya mo, busy ako ngayon." Medyo naiirita na ako. Minsan may pagka chismoso at madaldal itong si Anton.

"Oh yes, as I'm saying pumunta ako dito kahapon para personal itong ibigay sayo kaso wala ka." May iniabot ito sa akin dalawang sobre. "Pinapasabi ni miss Bernales na hindi nya kailangan ang pera mo. At ito pinapa bigay nya sayo." Wika nito sabay turo sa puting sobreng nasa kamay ko.
Nangunot ang noo kong binuksan at tiningnan ang laman nito.
Ilang lilibuhing pera? Napaisip ako saglit kung para saan ito ng mapagtanto kong ito marahil ang perang iniwan or tamang term ay ibinayad ko dito nang unang gabi ko uli itong inangkin.
Ramdam ko ang pag akyat bigla ng dugo sa mukha ko sa sobrang galit na nararamdaman.
Anung gusto nyang palabasin?
Na wala syang kailangan sa iyo Caloy!
Sigaw ng konsensya ko.

Mabilis akong lumabas ng library. Dinig ko ang pagtawag sa akin ni Anton na may iba pang sinasabi pero hindi ito pinansin. Bumaba ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko at diretsong pumunta sa garahe.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon